Vice laging talo kapag nag-aaway sila ni Ion: 'Talak ka nang talak siya hindi sumasagot, mas lalong nakakapikon ‘yun' Bandera

Vice laging talo kapag nag-aaway sila ni Ion: ‘Talak ka nang talak siya hindi sumasagot, mas lalong nakakapikon ‘yun’

Alex Brosas |January 25,2023
share this

Vice laging talo kapag nag-aaway sila ni Ion: ‘Talak ka nang talak siya hindi sumasagot, mas lalong nakakapikon ‘yun’

Alex Brosas - January 25, 2023 - 08:02 AM
Vice laging talo kapag nag-aaway sila ni Ion: 'Talak ka nang talak siya hindi sumasagot, mas lalong nakakapikon ‘yun'

Ion Perez at Vice Ganda

AMINADO ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na hindi walk in the park ang pagsasama nila ng dyowang si Ion Perez.

Sa kanyang interview sa “Iskovery Night” YouTube channel ni former Manila Mayor Isko Moreno ay aminado si Vice Ganda na nag-aaway rin sila ni Ion.

“Kamusta kayo ni Ion?” tanong ni Isko kay Vice Ganda.

“Okay naman kami, masaya kami, masayang-masaya kami,” sagot ni Vice Ganda.

“Masaya kami, mapayapa, pero although hindi naman siya perfect. Marami kaming mga pinagdadaanan, nagtatalo rin kami.  Ang pinakaswerte ko never pa kaming nag-away ‘yung malalang away,” say ni Vice.

Say pa ng TV host, magkaiba ang pag-deal sa pag-aaway ng isang lalaki at babae or for that matter, ng isang lalaki sa karelasyon niyang beki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“’Di ba kayong mga lalaki hindi kayo ‘yung nag-e-engage sa problema as much as possible. Pupunta kayo sa ano, magdyi-gym kayo or magba-basketball kayo. Kapag iritado kayo, hindi kayo nakikipag-usap.

“Eh, ang mga girls at saka ang mga bakla, kapag may problema gusto pinag-uusapan,” paliwanag niya.

Sa kaso nila ni Ion, ang feeling niya ay talo siya dahil habang talak siya nang talak ay wala namang kibo ang kanyang dyowa.

“Talung-talo ka. Talak ka nang talak siya hindi sumasagot. Mas lalong nakakapikon ‘yun. So, talo ka doon. So, antayin mo ‘yung time na okay na siya tapos puwede n’yo pag-usapan. Sa ngayon, hindi na pinag-uusapan. ‘okay na ‘yun. Mainit ka lang kanina, mainit din ako,’” say niya.

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending