Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy Bandera

Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy

Ervin Santiago |January 24,2023
share this

Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 08:19 AM
Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy

Ion Perez at Vice Ganda

HANDANG-HANDA nang magka-baby ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda pati na rin ang kanyang partner na si Ion Perez.

Kung noon ay nagdadalawang-isip pa ang TV host-actor na magkaroon ng sariling anak via surrogacy, ngayon ay ibang-iba na raw ang pakiramdam niya hinggil sa usaping ito.

Aminado naman si Vice na wala talaga sa mga plano niya ang mag-baby pero bigla na lang daw nagbago ang desisyon niya, lalo na raw noong dumating sa buhay niya ang model-actor na si Ion.

“Surprisingly, gusto ko nang magkaanak. Dati as in no-no ako diyan,” chika ni Vice  sa panayam ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa bagong vlog nito sa YouTube.

Pinag-aaralan na raw niya ang pagsailalim sa proseso ng surrogacy na siya ring ginawa ng perfume magnate na si Joel Cruz na may ilang pairs na ngayon ng kambal.

“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,” ani Vice.


“‘Di ba kahit anong gawin natin, iba yung tingin ng mga tao ‘pag ‘yung tatay niya bakla. Naawa ako du’n sa bata. Yung prejudice…bakit ganoon ‘yung tatay mo?” pahayag pa ni Vice.

“Masasaktan siya eh. At mararamdaman niya na baka may mali sa amin kaya ayoko.

“Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby,” paliwanag pa ng komedyante.

Sa tanong kung kailan niya na-realize na gusto rin niyang maging magulang, “Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya.”

Ayon pa sa Kapamilya TV host, balak na nilang kumonsulta last year sa ilang eksperto sa Amerika para sa nasabing proseso. At baka raw umabot sa mahigit P5 million hanggang P9 million ang gagastusin sa surrogacy.

“I didn’t have the luxury of time to pursue kasi ang dami kong ginagawa,” sey pa ni Vice na sana’y mabigyan na nga siya ng pagkakataon na magkaroon ng anak.

Inamin naman ni Vice na ramdam na niya ang excitement sa pagkakaroon ng baby sa kanilang bahay, “Parang ngayon may ibang magic ngayon ang mga bata kapag nakakakita ako ng baby, sa loob.”

Kung siya ang tatanungin, mas gusto raw niyang magkaroon ng baby girl, “Gusto kong gawin sa kanila ‘yung hindi ko na-experience, ipapa-experience ko sa kanila. We will experience that together.”

Joel Cruz gumastos ng P52-M para sa 8 anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy

Jennylyn, Dennis hindi inasahan ang natanggap na blessing: Mapagbiro talaga ang tadhana!

Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending