Jennylyn, Dennis hindi inasahan ang natanggap na blessing: Mapagbiro talaga ang tadhana!
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
BINIRO ng tadhana ang engaged couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Yan ang paniniwala ng Kapuso Drama King at Kapuso Ultimate Star matapos malamang magkakaroon na sila ng baby habang pina-finalize na ang kanilang surrogacy plans.
Sa katunayan, planado at plantsado na ang kanilang mga plano ng pagkuha ng surrogate sa Amerika ngunit nabago nga ang lahat nang biglang mabuntis si Jennylyn sa natural na paraan.
Ayon kay Dennis, marami silang naging realizations ni Jen nang makumpirma na nilang nagdadalang-tao na nga ang aktres.
“Mapagbiro talaga ‘yung tadhana. Talagang mayroon siyang sariling timing. Kailangan lang siguro talaga sa buhay mo, huwag kang maiinip dahil darating at darating ‘yung para sa ‘yo balang araw,” sey ni Dennis.
Sa pamamagitan ng bago nilang vlog sa YouTube, ibinahagi rin ng Kapuso couple ang naging journey nila sa paghahanda sa paggamit ng surrogate para magkaroon ng anak.
Taong 2018 nang simulan nilang mag-prepare para rito pero ayon kay Dennis, “It was a total failure.” Sabi naman ni Jen, “Parang sinabi sa amin na, ‘ah di pa kayo ganoon ka-ready.’”
Ngunit last year nga ay nagdesisyon na silang karirin ang surrogacy kaya nagtungo na agad sa Amerika si Dennis nang magkaroon ng pagkakataon para ibigay ang kanyang specimen (sperm).
Nang malibre naman si Jennylyn sa trabaho ay siya naman ang nagpunta sa US para sa iba pang check-up, medication at injection.
Nang sabihin na sa kanila na nakabuo na sila ng “excellent embryo” ay nakakita na rin sila ng “perfect surrogate.” Hanggang sa maayos na nila ang kontrata at in-scheduled na rin ang implant procedure nitong October.
Pag-amin ng Kapuso actress, “Nu’ng mga time na ‘yon, hindi pa talaga ako handa na mag-carry ng baby.” At sabi naman ni Dennis, “Siyempre ayaw na ni Jen na pagdaanan yung 9 months na ‘yun.”
Paliwanag pa ni Jen, iniisip din niya ang mga natanguang proyekto sa GMA 7 kaya nagdesisyon na silang subukan ang surrogacy. Ngunit laking-gulat nga nila ni Dennis nang magbuntis siya sa natural na proseso.
View this post on Instagram
Samantala, anytime soon ay ikakasal na ang engaged couple sa pamamagitan civil ceremony na magaganap sa isang events place na malapit lang sa kanilang bahay para hindi raw na mahirapang bumiyahe ang aktres.
Hindi na rin daw sila nag-abalang magpagawa ng bonggang wedding outfits dahil isang “simple and intimate affair” lamang ang magaganap.
“Siyempre, sa panahon ngayon, ang hirap magka-regular wedding na malaki, na maraming tao. Unang-una, hindi safe and hindi na rin practical sa panahon ngayon,” pahayag ni Jennylyn sa panayam ng isang magazine.
At dito nga kinumpirma ng DenJen na ibabandera rin nila sa publiko ang magiging gender ng kanilang magiging anak sa wedding reception sa pamamagitan ng pag-i-slice ng cake.
https://bandera.inquirer.net/294191/jennylyn-buntis-na-nga-ba-kaya-papalitan-sa-love-die-repeat-ng-gma
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.