Maureen nilinaw na hindi si JK ang tinutukoy sa ‘hugot’ video: I’m not blaming just one person
MAY paglilinaw ang beauty queen-model na si Maureen Wroblewitz sa nakaraan niyang video na tinatalakay ang kanyang “trauma” experiences sa nakalipas na relasyon.
Kung maaalala, noong January 20 niya ibinandera ang nasabing video at may nakasulat pang “When you learn to prioritize yourself.”
Ibinahagi din niya na dahan-dahan niyang binubuo ulit ang kanyang sarili na nawala noong nasa relasyon siya.
Dahil sa post na ‘yan ay iniuugnay na ng maraming netizens na tungkol ito sa ex-boyfriend na si Juan Karlos.
Sinagot naman ‘yan ng beauty queen nitong January 22 at nilinaw na hindi lang isang tao ang tinutukoy niya sa video.
“I am here to say that there is no tea to spill. I’m sorry to all the Marites. I don’t think that’s fair because I don’t think that I cannot just blame one person,” sey ni Maureen.
Sinabi niya rin na ang intensyon niya sa uploaded video ay ibahagi lang ang kanyang mga natutunan mula sa mga naging karelasyon.
“The point of my video wasn’t to throw shade but it was focusing on all the things that I have learned from my relationship,” saad ng model.
Aniya, “As I have said in the caption, I have lost a big part of myself and I am only now starting to realize who I am and what I want.”
@mwrob
Ikinuwento rin niya na marami siyang sakripisyo sa bawat relasyon at ngayon lang niya napagtanto na mas kailangang mahalin ang sarili.
“In my past, I have sacrificed my beliefs and values and I did things that I didn’t like. I enabled behaviors that I didn’t like. I became someone who I dislike and I was that because I was so focused on pleasing my partner that I forgot about myself,” kwento niya.
Patuloy pa ni Maureen, “I wasn’t assertive enough. I did not take accountability for what I want and I’m just learning that, I was doing that for years.”
Pinaalala din niya sa kanyang manonood na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang toxic traits, pero ang mahalaga ay ‘yung pagbabago na gagawin ng isang tao para rito.
Ani Maureen, “Also a reminder that everybody has toxic traits. But what is important is that we’re aware of them and we’re willing to change for the better.
“From my experience, I have learned so many things I have found out, a lot of things about myself and things that I want for my next relationship.”
Inamin pa ni Maureen na nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon mula sa naging breakup nila ni Juan, pero araw-araw daw siyang naghihilom.
Chika niya, “The past eight months haven’t been easy and until today, I still cry from past trauma but I am healing everyday and I’m working on myself every single day.”
“I always want to have a positive outlook in life and even though it wasn’t the healthiest relationship, again, I’m not blaming just one person, with every bad things that happened in our life, I know there’s a lessons to be learned and that’s where I want to focus on and there are lessons,” aniya.
Matatandaan noong Hunyo nang aminin nina Maureen at Juan sa publiko na sila ay hiwalay na.
Taong 2017 naman nagsimula ang kanilang relasyon.
Samantala, nitong Nobyembre lamang nang magkaroon ng bulung-bulungan na mukhang may nagpapasaya na muli sa puso ni Maureen dahil sa Instagram stories niya kung saan ay may kasama siyang lalaki sa Siargao.
Makalipas ang isang buwan ay inamin naman niya na meron na siyang “someone” ngunit hindi naman niya sinabi kung ito rin ang lalaking kasama niya noon.
Related. chika:
Maureen Wroblewitz may ‘trauma’ sa nakaraang relasyon: I wasn’t loved the way I wanted to be loved
JK Labajo, Maureen Wroblewitz in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.