Rabiya proud na ipinakita ang nabiling bahay, mensahe sa mga breadwinner: Use that fuel to strive harder talaga | Bandera

Rabiya proud na ipinakita ang nabiling bahay, mensahe sa mga breadwinner: Use that fuel to strive harder talaga

Pauline del Rosario |January 23,2023
facebook
share this

Rabiya proud na ipinakita ang nabiling bahay, mensahe sa mga breadwinner: Use that fuel to strive harder talaga

Pauline del Rosario - January 23, 2023 - 02:40 PM

Rabiya proud na ipinakita ang nabiling bahay, mensahe sa mga breadwinner: Use that fuel to strive harder talaga

PHOTO: Instagram/@rabiyamateo

PROUD at masayang-masaya na ipinakita ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang nabiling bahay sa Iloilo para sa kanyang pamilya.

Ibinandera niya sa Instagram ang kanyang video ang pasilip ng kanilang bahay at nagkaroon pa siya ng mensahe para sa mga breadwinner na katulad niya.

Naging emosyonal din ang beauty queen-actress at inalala ang mga panahon na wala pa silang permanenteng tahanan at palipat-lipat ng lugar.

Sey niya, “Nandito ako ngayon sa labas ng kakabili ko lang na bahay para sa pamilya ko sa Iloilo and actually, medyo…I’m kind of getting emosyonal kasi parang looking back then, it’s so impossible for us to have a property kasi nagre-rent lang kami tapos no permanent address din.”

“Nakailang lipat na kami and God has been so good to me and to my family at sa lahat ng blessings na pumasok talaga. God is so good,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ni Rabiya na target niyang pagandahin pa lalo ang kanilang bahay.

Saad niya sa post, “So hopefully, in the coming years, mas maganda pa, mapaganda pa namin ‘yung bahay na ‘to.”

Sa bandang huli ay nagbigay siya ng inspirational message, lalo na sa mga taong bumubuhay ng kanilang pamilya at nagtatiyaga upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

“Kaya sa mga breadwinners diyan, alam kong mahirap especially minsan nakakapagod din na maraming tao ang umaasa sayo but use that fuel to strive harder talaga kasi sobrang sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo,” saad ni Rabiya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Maraming celebrities at kapwa-beauty queens naman ang napa-comment sa kanyang post at masayang-masaya sa na-achieve ni Rabiya.

Gaya ng sinabi ng komedyanteng si Pokwang, “nakakatuwa na makita ang pagsisikap mo na nagbunga nak (folding hands emoji) so proud of you (clapping hands emoji).”

“yessss!!!! congrats!! super happy for u and your fam!!,” sey naman ng Brazilian model.

Sabi pa ni Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup, “You deserve it and more! Work hard and always stay grounded. Remember everything I told you.”

Related chika:

Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing ‘malas’ siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celeste Cortesi itinuloy ang pagsali sa Miss Universe PH 2022 dahil kay Rabiya Mateo; maiuwi kaya ang ika-5 korona ng Pilipinas?

Rabiya Mateo nag-alay ng itlog para sa laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘5th crown na to for the country!!!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending