Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing 'malas' siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya | Bandera

Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing ‘malas’ siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing ‘malas’ siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 08:06 AM

Rabiya Mateo hinahanting ang basher na nagsabing 'malas' siya kay Celeste, gustong i-report sa pinapasukang kumpanya

Celeste Cortesi at Rabiya Mateo

BUKOD sa isinuot na evening gown at Darna costume sa katatapos lamang na Miss Universe 2022, isa pa sa mga sinisisi ng ilang Pinoy pageant fans sa pagkatalo ni Celeste Cortesi ay si Rabiya Mateo.

Hirit ng mga bashers, idinamay pa raw ng Kapuso TV host-actress ang bet ng Pilipinas sa naturang international beauty contest sa kakambal niyang kamalasan.

Nabigong makapasok si Celeste sa Top 16 ng 71st edition ng Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA last Sunday (Philippine Time).

Naging kandidata naman ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 si Rabiya at nakaabot naman sa Top 16 pero hindi na pinalad makapasok sa Top 10.

Bago lumaban si Celeste sa pageant, nagpahayag ng 100% support si Rabiya sa dalaga. Aniya sa kanyang Instagram post, “Victory is ours! 5th crown for the country Since Day 1, I saw how determined you are Babe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“Thank you for making the country proud @celeste_cortesi!” mensahe pa ni Rabiya kalakip ang short video clip ng dalawang beauty queen habang magkasama sa isang event.

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ng Kapuso star at sinisisi nga siya kung bakit nganga si Celeste sa Miss Universe pageant.

Pang-ookray ng basher jinx o malas daw si Rabiya kay Celeste, “Gaga ka kc lakas mo mka jinxed ! ! ! ! wla tuloy tayong placement for the first time since 2010.

“Dinamay mo pa sa kamalasan mo si Celeste. Kaloka!” ang banat ng hater.

Hindi ito basta pinalampas ni Rabiya at humingi ng tulong sa kanyang nga social media followers na hanapin at alamin ang tunay na identity ng basher.

“Can someone help me locate this person so I can message the company she/he is working from and tell them how their employee react on social media? Name, address and full details,” pakiusap ng aktres.

Kasunod nito, ipinost din ni Rabiya ang screenshot ng Instagram account ng kanyang basher sa kanyang IG Story, “Since she went on private, let me teach this one a lesson.

“Can someone send me her name, address and where she/he works from?

“Our actions have legalities. Let me teach you a serious lesson Madame,” pahayag pa niya.

Bukod sa ipinahahanting na basher, may ilan pang netizens ang nagpahayag ng pagkaimbiyerna kay Rabiya at sinisisi rin siya sa pagkatalo ni Celeste.

“Naku kaya pala naligwak agad hinawahan mo.”

“May paalay alay ka pa ng itlog…wa naman epek. Next time wag na lang umepal.”

“Hindi effective ang basbas mo.”

“Daming ek-ek, ayan di tuloy nakapasok kahit Top 16.”

Darryl Yap sinisi ang Darna costume sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, may nakakalokang payo sa mga beauty queen

Moira sinisisi rin ang sarili sa paghihiwalay nila ni Jason: Saan ba ako nagkulang…saan ako nagkamali?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla pinagselosan daw ang aktres na nakatrabaho ni Tom kaya nagkalabuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending