Carla pinagselosan daw ang aktres na nakatrabaho ni Tom kaya nagkalabuan | Bandera

Carla pinagselosan daw ang aktres na nakatrabaho ni Tom kaya nagkalabuan

Reggee Bonoan |January 26,2022
facebook
share this

Carla pinagselosan daw ang aktres na nakatrabaho ni Tom kaya nagkalabuan

Reggee Bonoan - January 26, 2022 - 07:42 PM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa aktres na siyang sinisisi kaya napabalitang naghiwalay na umano ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ang balita, nu’ng nahuli raw ito ni Carla ay kaagad nang nagsabi sa kanyang talent management.

Ang tsika sa amin, “Nu’ng nabuking ni Carla si Tom nagsabi kaagad siya sa management kung ano ang gagawin at kinausap naman mabuti kung ano ang nangyari?

“Galit si Carla to the extent na talagang ayaw niyang makita si Tom plus si _____ (aktres) since nasa iisang network sila.

“Naging close sina Tom at si ____ (aktres) during the taping nu’ng TV series, pero as friends. Balita ko may hininging favor si girl kay Tom and Tom naman super bait so pinagbigyan. Minalas nakita ni Carla na close to the max ang dalawa so ganu’n na nga.

“Actually itong si ___ (aktres) hindi naman niya pangarap maging homewrecker kaya na-rattle talaga siya,” sabi pa aming source.

Hindi muna namin babanggitin ang pangalan ng aktres dahil wala pa namang official statement mula kina Carla at Tom or mula sa kanilang mother network.

Sa kasalukuyan ay wala sa bansa ang aktres na sinisisi sa hiwalayan nina Tom at Carla at halos lahat ng kanyang mga kaibigan ay iisa ang sinasabi, “Safe travels and enjoy your vacation.”

Bukas pa rin ang BANDERA sa panig nina Tom at Carla hinggil sa kontrobersyang ito.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


* * * 
                                         
Sunod-sunod na gabing trending ang seryeng “The Broken Marriage Vow” nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla, Sue Ramirez, Rachel Alejandor, Ronnie Lazaro at marami pang iba dahil marami na agad pasabog ang programa.

Pinag-usapan sa social media ang nakakagigil na mga eksena nina Jodi at Zanjoe na nagsisimula na ang pag-iimbestiga ni Jill (Jodi) sa asawang si David (Zanjoe) dahil may  kutob na nambababae ito pagkatapos makakita ng lip balm at isang mahabang hibla ng buhok sa gamit nito.

Ayon kay @hoenicurn sa Twitter, kahit isang episode pa lang ang napanood niya, malinaw na “top-notch” ang quality nito, “the set, location, costume are praiseworthy. An eye-popping visual feast! I am sure that it will set the standards on a higher scale. This is a giant leap for a Filipino TV series!”

“Pilot looks good. Feels very much like its South Korean counterpart. The cast is perfect, camera work looks slick, wardrobe is to die for, stylish yet very slick, parang ang sarap tumira sa Baguio,” sabi ni @ace_antipolo.

Napansin naman ni @AltStudio23 ang mga mahahalagang detalye sa bawat eksena at nagkomento, “Each gap talagang tutok ka. Every body movement, every line, camera movement. Ang ganda. Carefully made, it is very evident.”

Bilib na bilib naman si @alkimermaid sa pagganap ni Jodi, “Grabe Jodi Sta. Maria is super slaying the role! I love her eyes, the dramatic intensity of her expressions. It’s very impressive and superb! Hats off!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel. Ito’y sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Catriona nakarating na sa Australia pero hindi pa rin nakapiling ang pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending