Rabiya, Jeric hindi pinakikialaman ang cellphone ng isa't isa

Rabiya, Jeric hindi pinakikialaman ang cellphone ng isa’t isa: Tiwala lang

Ervin Santiago |March 14,2024
facebook
share this

Rabiya, Jeric hindi pinakikialaman ang cellphone ng isa’t isa: Tiwala lang

Ervin Santiago - March 14, 2024 - 06:00 AM

Rabiya, Jeric hindi pinakikialaman ang cellphone ng isa't isa: Tiwala lang

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

NEVER pinakialaman nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang cellphone ng isa’t isa kahit pa matagal-tagal na rin silang magkarelasyon.

May tiwala naman daw kasi sila sa bawat isa kaya hindi issue sa kanila kung “bawal” makialam sa kanilang mga gamit nilang cellphone.

“Dati I have access, we both have access sa phones namin. Ngayon wala na, kasi we trust each other na,” ang pag-amin ni Rabiya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sabi pa ni Rabiya, kahit masasabing nagsisimula pa lamang ang love story na ni Jeric, nakapag-build na sila kahit paano ng foundation sa kanilang relationship.

Baka Bet Mo: Rabiya Mateo may inamin sa relasyon nila ni Jeric Gonzales, ano yarn!?

Natanong naman ni Tito Boy ang Kapuso actress at dating beauty queen kung ano ang kanyang kondisyon para tapusin o tuldukan na ang isang relasyon.

“Siguro kapag hindi na ako mahal. Sa actions, Tito Boy.

“Kapag wala na ‘yung respeto and at the same time, ‘pag mas okay na ‘yung hindi kayo nag-uusap kaysa pinag-uusapan niyo,” dugtong ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


Pero handa raw siyang ipaglaban ang lalaki kung meron pa siyang nararamdamang pagmamahal kahit kaunti.

“Pero kung wala na, kahit mahal ko pa siya, let go na,” esplika pa ni Rabiya.

Nauna rito, inamin din ng dalaga na totoong naaapektuhan siya noon sa mga sinasabi ng mga tao laban kay Jeric dahil hindi niya alam kung ano talaga ang kanyang paniniwalaan.

“First time kong mag-date ng celebrity and minsan kapag celebrity din ‘yung dine-date mo ang daming opinyon, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it.

Baka Bet Mo: Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

“Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba, e,” aniya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanegahang ibinabato sa aktor, mas pinili pa rin niyang maniwala at pagkatiwalaan ang kanyang dyowa. Ibig sabihin, mas nanaig talaga ang pagmamahal niya kay Jeric.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa akin at ipinaramdam niya ‘yun sa akin. I’m sure marami rin sinasabi ang mga tao about me kay Jeric,” sey ni Rabiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending