'Major issue' kay Vice pag pinagbawalan ni Ion na makipagharutan

‘Major issue’ kay Vice pag pinagbawalan ni Ion na makipagharutan sa iba

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

‘Major issue’ kay Vice pag pinagbawalan ni Ion na makipagharutan sa iba

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 08:10 AM

'Major issue' kay Vice 'pag pinagbawalan ni Ion na makipagharutan sa iba

Ion Perez at Vice Ganda

“BIG issue” para kay Vice Ganda kung pagbabawalan siya ng kanyang asawang si Ion Perez na makipagharutan sa mga lalaki niyang friends.

Nabuksan ang tungkol sa isyung ito nang ma-interview ni Vice at ng iba pang co-hosts ng “It’s Showtime” ang female contestant sa segment na ”EXpecially For You”.

Sa Tuesday episode ng programa, nabanggit ng babaeng contestant na nagkaroon ng issue sa pagitan ng nila ng kanyang dyowa dahil sa pagkakaroon niya ng girl bestfriend.

Kasunod nito, nagsalita nga si Vice Ganda at sinabing hindi okay para sa kanya kapag pinagbawalan siya ng kanyang partner na si Ion na makipaglandian sa mga kaibigan niyang lalaki.

Baka Bet Mo: Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

“Kasi ako marami akong best friends, ‘di ba, na mga lalaki? Si Coco Martin, si Billy Crawford, tapos ikaw (Jhong Hilario), saka si Vhong, ‘di ba?” simulang pahayag ni Vice.

“Parang ‘di ko ma-imagine. ‘What if maging issue ‘yun tapos hindi ako payagan ni Ion na makipagharutan sa inyo dito sa ‘Showtime?’ Ang bigat nu’n ‘no?” paliwanag ng TV host-comedian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“Major issue sa akin ‘yon ‘pag sinabi ni Ion na ‘Hindi ako komportable na nakikipagharutan ka kay Vhong at saka kay Jhong,’” mariing sabi ni Vice.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

Pero buti na lang daw at wala sa personalidad ni Ion ang maging seloso. Understanding naman daw ang model-TV host.

Humirit naman si Jhong at binalikan ang naging pag-uusap nila noon ni Vice Ganda. “‘Di ba sabi mo nga sa akin, ‘alam mo ikaw ‘yong huling-huling pagseselosan ni Ion,’” ang tawa nang tawang sey ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binalingan naman ni Vice si Ion at tinanong ang asawa kung sino ang girl bestfriend nito. Kilig-kiligan naman ang komedyante nang siya ang ituro ni Ion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending