Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: 'Wag kuda nang kuda, 'wag masyadong nagmamarunong' | Bandera

Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: ‘Wag kuda nang kuda, ‘wag masyadong nagmamarunong’

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: ‘Wag kuda nang kuda, ‘wag masyadong nagmamarunong’

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:48 AM

Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: 'Wag kuda nang kuda, 'wag masyadong nagmamarunong'

Sunshine Dizon

BINABATIKOS ngayon ng mga netizens ang aktres na si Sunshine Dizon dahil sa pagbabalik niya sa Kapuso Network matapos makagawa ng isang teleserye sa ABS-CBN.

Makakasama si Sunshine sa bagong programa ng GMA 7 na mapapanood na sa darating na Pebrero, ang upcoming action-adventure series na “Mga Lihim Ni Urduja.”

Dito makakasama niya ang mga Sang’gre ng remake ng “Encantadia” na umere noong 2016 sa GMA 7 — sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla.

Matatandaang isa si Sunshine sa mga bumida noon sa original version ng “Encantadia” kung saan nakasama naman niya sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle.

At pagkatapos nga niyang makagawa ng isang teleserye sa ABS-CBN, ang romantic comedy series na “Marry Me, Marry You” na pinagbidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, nagbabalik-GMA na uli si Shine.

Maraming natuwang Kapuso viewers nang mabalitaang gagawa siya uli ng show sa GMA 7, pero may mga nambasag din sa kanya at sinabing huwag na siyang bumalik dahil hindi naman siya kawalan sa iniwan niyang network.

Sinagot naman ni Sunshine ang kanyang mga basher at sinabing wala siyang issue sa GMA at maaari raw siyang magtrabaho kahit saang istasyon.

Taong 2021 nang ma-expire ang contract niya sa GMA at hindi na ito ni-renew ng network kaya naman nagdesisyon siyang tumanggap ng proyekto sa ABS-CBN.

Hirit ni Sunshine, “Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge.

“I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko.

“Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY,” sabi pa ng aktres.

Sa isang panayam, sinabi ni Sunshine na nahe-hurt din siya kapag sinasabing isa siyang ingrata at wala siyang utang na loob.

“Ang sakit din kasi parang minsan pakinggan na parang nag-iiba yung version.

“Some people are assuming things na hindi naman talaga nila alam kung ano yung totoong mga nangyari behind the decision of whatever decision I made,” sabi ng aktres

Anyway, makakasama rin nina Sunshine sa “Mga Lihim Ni Urduja” sina Gina Pareño, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Michelle Dee at Zoren Legaspi.

Aiko nanawagan sa nagbabaklas ng kanyang tarpaulins: Lumaban po tayo ng patas

Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending