Bandera Editorial: 'Sex education in English' o 'Araling sekswal sa Pilipino | Bandera

Bandera Editorial: ‘Sex education in English’ o ‘Araling sekswal sa Pilipino

- June 16, 2010 - 02:29 PM

Bandera Editorial

ITO ang kahilingan ni Cebu Rep. Eduardo Gullas sa Department of Education, na sa pagtuturo ng sex education sa public schools bilang bahagi ng “pilot testing,” gawin ito sa English. At puro English ang pagtuturo.
“This way, the DepEd also gets to use the new program to advance the English skills of our children at an early age,” ani Gullas, edukador at principal author ng “Act Strengthening and Enhancing the Use of English as the Medium of Instruction,” na ipinasa sa  third and final reading ng 13th Congress (pero dinedma ng Senado).
Kung tatanungin ang mga nag-aral ng elementarya at high school noong 1958-68 (nagsimulang gumuho ang kaalaman sa English ng mga estudyante noong 1969 nang mabilis na kumalat na parang apoy ang aktibismo sa mga pampublikong paaralan, na itinuring ang pandaigdigang wika bilang imperyalista), insulto at malaking peligro ang kinakaharap ng mga estudyante kung ang “sex education in English” ay tatanawin para matuto silang magsalita’t magsulat sa English.
Yayabong kaya ang kaalaman sa English kung ito’y idadaan sa sex education?
* * *

Araling sekswal sa Pilipino
NANG isalin sa Pilipino ang resulta ng masidhing pananaliksik (bagaman di malawak) sa bansa at sa Estados Unidos ni Dr. Margarita Go-Singco Holmes noong Dekada 90, “sold out” ang mga nilimbag na pamphlet ng Anvil.
Nagkaroon ng second at third printing ang ilang edisyon (may edisyon kasi na para sa mga bakla) dahil mabilis na naubos sa eskaparate ng National Bookstore ang mga edisyon.
Hindi sumiklab na malaking isyu ang pagpapalabas ng mga babasahin ni Dr. Holmes, at di rin ito pinagpiyestahan ng mga pari’t moralista dahil dumeretso ang batikang sex therapy at psychology professor sa mambabasa.
Hindi nababoy ang pag-iisip ng mga bumili ng lahat na edisyon at nagbasa.  Bagkus, nabuksan pa ang kanilang pag-iisip.  Natutunan nila ang kalayaan sa tamang edad, ang mabuti at napakaraming masasamang dulot ng maruming sex.
Hindi pinandirihan si Dr. Holmes, na naging kolumnista rin naman ng Bandera, bagkus ay iginalang pa siya ng mga mulat at edukado; at kinutya ng mga sarado ang pag-iisip.

Bandera, Philippine news, 061610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending