Tatay na hindi marunong magsulat, magbasa nag-enroll sa Grade 1; sinabayang mag-aral ang anak na kindergarten | Bandera

Tatay na hindi marunong magsulat, magbasa nag-enroll sa Grade 1; sinabayang mag-aral ang anak na kindergarten

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 07:52 AM

Rizalde Bisalona

VIRAL sa social media ang isang tatay na hindi marunong bumasa at sumulat na nagdesisyong mag-enroll sa Grade 1 nitong nagdaang pasukan.

Siya si Rizalde Bisalona, 30 years old, na taga-Glan, Sarangani, na naging usap-usapan sa socmed matapos pusuan at i-like ng netizens ang kanyang litrato at video habang nasa loob ng kanilang elementary classroom.

Ipinost ni Anne Patigayon, staff sa Department of Education Sarangani, noong September 2, sa kanyang TikTok account ang video  kung saan ini-interview si Rizalde ng kanyang guro.

Ayon kay Rizalde, nag-enroll siya sa Grade 1 para hindi raw masayang ang kanyang oras habang  naghihintay sa paglabas ng kindergarten na anak mula sa paaralan nito.

Hatid-sundo kasi niya ang kanyang anak kaya naman naisipan niya na para maging kapaki-pakinabang ang bawat oras na dumaraan, nag-enroll soya bilang Grade 1 student sa Tamala Elementary School (school year 2022-2023).

Dito, kaklase niya ang mga  estudyanteng nasa six at seven years old. Sa naturang eskwelahan din nag-aaral ang anak na lalaki.

Kuwento ni Rizalde, wala raw siyang alam pagdating sa mga letra sa alpabeto pero aniya, naisusulat  naman niya ang kanyang pangalan pero kailangan daw niya ng kopyahan.

Base sa video na napanood namin sa TikTok, talagang excited si Rizalde sa bagong journey niya bilang estudyante at talaga namang makikita na desidido siyang matutong sumulat at bumasa.

Ayon pa sa ulat, ang kanyang misis ang kasalukuyang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya at suportado naman nito ang pag-aaral ng asawa.

Bumaha naman ng mga inspiring message at positibong komento mula sa netizens ang viral video ni Rizalde. Halos lahat ng netizens na nakapanood sa video ng Grade 1 pupil ay humanga at sumaludo sa kanya.

Mahigit 5 million views na ang nakuha ng nasabing video bukod pa sa libu-libong likes at comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292516/pokwang-napamura-sa-planong-pagbabalik-ng-faceface-classes-aiko-ogie-kumontra-rin
https://bandera.inquirer.net/301045/paolo-ballesteros-proud-na-ibinandera-ang-1st-honor-na-anak
https://bandera.inquirer.net/302774/banat-ni-robin-sa-nagsabing-pang-grade-6-ang-plataporma-sa-2022-puro-kwento-wala-namang-kwenta
https://bandera.inquirer.net/299595/mega-kay-vp-leni-sana-bumalik-iyong-kilala-kong-pinas-yung-mga-kababayan-kong-marunong-makisama-at-rumespeto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending