Danica Sotto isinilang na ang ika-3 anak nila ni Marc Pingris: 'Welcome to the world Jean-Luc! Love you!' | Bandera

Danica Sotto isinilang na ang ika-3 anak nila ni Marc Pingris: ‘Welcome to the world Jean-Luc! Love you!’

Ervin Santiago |January 15,2023
facebook
share this

Danica Sotto isinilang na ang ika-3 anak nila ni Marc Pingris: ‘Welcome to the world Jean-Luc! Love you!’

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 10:38 PM

Danica Sotto isinilang na ang ika-3 anak nila ni Mark Pingris: 'Welcome to the world Jean-Luc Pingris! Love you!'

Danica Sotto, Marc Pingris at Baby Jean-Luc

ISINILANG na ni Danica Sotto ang ikatlong anak nila ng kanyang asawang si Marc Pingris na si Baby Jean-Luc Pingris.

Ibinahagi ng celebrity couple ang ilang litrato ni Baby Jean-Luc sa kanilang Instagram followers na kuha sa loob ng hospital room ni Danica kung saan nakasama rin nila ang dalawa pang anak.

Sa IG page ni Danica, makikita ang short video nila ni Marc with the newest member of their family. May mga kuha rin ang mga anak nilang sina Anielle Micaela at Jean Michel habang karga ang bunso nilang kapatid.

Sabi ni Danica sa caption, “All glory, praise, and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. Our hearts are filled with so much joy!!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15)


“Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us,” dugtong ng TV host-actress.

Sa IG account naman ng dating professional basketball player naka-post ang litrato nila ni Baby Jean habang karga-karga niya ito. Todo ang pasasalamat niya sa Diyos dahil parehong ligtas at malusog ang kanyang mag-ina.

“LORD, thank you! Gabayan n’yo po ako na mapalaki sila nang maayos at gabayan mo ako Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko. Salamat at maayos na nanganak si Danica salamat po Ama!

“Welcome to the world Jean-Luc Pingris! Love you! Thank you sa mga kaibigan at family namin ni Danica sa lahat ng mga nag-pray,” ang mensahe ni Marc sa kanyang anak gamit ang mga hashtag na #pusongpingris at #9.3sibaby.

Bumati naman sa mag-asawa ang ilan sa mga kaibigan nilang celebrities kabilang na sina Pauleen Luna-Sotto, Camille Prats, Bianca Gonzalez, Iza Calzado at Kitkat.

Marc Pingris: Nu’ng niyakap ako ng tatay ko at tinawag na ‘my son’ 3 times, first time kong naramdamang nabuo ‘yung pagkatao ko

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hirit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending