Helen Gamboa kilig na kilig pa rin kay Tito Sen: I'm proud to say na hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako | Bandera

Helen Gamboa kilig na kilig pa rin kay Tito Sen: I’m proud to say na hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

Helen Gamboa kilig na kilig pa rin kay Tito Sen: I’m proud to say na hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 08:36 AM

Helen Gamboa kilig na kilig pa rin kay Tito Sen: I'm proud to say na talagang hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako

Helen Gamboa at Tito Sotto

MAPAPA-SANA all ka talaga sa solid na solid pa ring married life ng celebrity couple na sina Tito Sotto at Helen Gamboa matapos silang mag-celebrate ng kanilang 52nd anniversary kamakailan.

Kung may mag-asawa sa showbiz na dapat magsagawa ng marriage counselling o seminar, siguradong pasadung-pasado sina Tito Sen at Miss Helen dahil nga mahit limang dekada na silang nagsasama.

Nakaka-good vibes ang pagbabalik-tanaw nila sa kanilang love story na itinampok last Sunday sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, lalo na sa panahon ngayon na usung-uso ang ghosting, hiwalayan at lokohan among some celebrities.

Aliw na aliw kami sa kuwento ng pagtatanan nina Tito Sen at Miss Helen at ang kanilang secret marriage bago pa man sila ikasal sa simbahan.

“Fifty-two years na magkasama kami. Church wedding ‘yun, pero ang totoo nu’n 54 years na. ‘Yung original na kasal namin tanan kasi,” pagbabahagi ni Tito Sen.

Talagang bumiyahe pa sila nang madaling-araw papuntang Santo Tomas, Batangas para magpakasal sa isang judge. Pero wala silang makitang judge pagdating doon kaya naghanap sila ng pari.

In fairness, talagang bitbit nila ang nga kailangang dokumento nang magtanan sila kaya nagtagumpay naman ang kanilang plano. Kasunod nito, nagkasundo ang mag-asawa na iuuwi ni Tito Sen ang kanyang wifey sa mga magulang nito after their secret wedding.

Kuwento ni Tito Sen, “Humanap ako ng mga padrino na sasama sa amin para pagsoli dahil kinakabahan ako dun sa mother niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tito Sotto (@helenstito)


“Pagpasok namin ng bahay na ganyan aba’y bubuhatin ‘yung silya, ang laki, ihahampas sa akin e. Ihahampas ‘yung silya sa akin. Galit na galit, umiiyak. Halos himatayin,” pagbabahagi pa ng dating senador.

Sobrang istrikto raw talaga ng nanay ni Tita Helen kaya may mga pagkakataon na palihim na nililigawan ng TV host-actor-comedian ang aktres.

“Nu’ng una pa puwedeng pasyal-pasyal sa kanila because nagdadala ako ng mga plaka ng album. Kunyari mga pag-aaralang kanta. Nu’ng nakahalata mommy niya hindi na ako pwedeng pumunta.

“So papadala ako ng chocolates, roses. ‘Yung driver niya kinukuntsaba ko. Kunwari ilalagay ko ‘yung drum set sa likod ng kotse niya tapos sasabihin ko, ‘Saan ang shooting n’yo bukas?'” pagbabalik-tanaw ng dating senador.

Pero pagkatapos naman daw ng secret wedding, pinayagan na rin si Tito Sen na mabisita si Tita Helen sa kanilang bahay isang beses sa isang linggo at makalipas ang isang taon, pumayag na rin ang nanay ng aktres na magsama sila sa isang bubong kasunod ang kanilang public wedding noong January 2, 1971.

At nito ngang nagdaang January 2, 2023 ay nagdiwang sila ng kanilang anibersaryo. Kilig-kiligan nga ang mga netizens nang i-post ng anak nilang si Ciara Sotto ang video habang ibinibigay ni Tito Sen ang isang vase na punumpuno ng bulaklak hanggang sa magyakap na sila.

“I am proud to say na talagang hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako,” sey ni Tita Helen kasabay ng pagsasabing si Tito Sen talaga ang kanyang “one and only love.”

Reaksyon naman ni Tito Sen, “Tingin ko hinding hindi naman nagbago ‘yung pakikitungo namin sa isa’t isa. As a matter of fact e parang puwede nating sabihing parang wine habang tumatanda, sumasarap.”

Tandang-tanda naman ni Tita Helen ang ginagawa niya noong pagsisilbi para sa kanyang asawa, “Kuha na ako ng plangganita, lalagyan ko ng warm water tapos konting alcohol, ibababad ko du’n ang paa niya habang mina-massage ko.

“Kaya sabi ng mommy ko, ‘Sobra ka naman! Parang hari ‘yang asawa mo!'” natatawang pagbabahagi pa ng veteran actress at movie icon.

“We’re growing old together gracefully. I can never thank God enough talaga for what he has done to us,” pahabol pang chika ni Tita Helen.

May pagkakataon pa nga raw na sinasabon nil ang isa’t isa kapag naliligo dahil hindi na nila kayang abutin ang likurang bahagi ng kanilang katawan. Ang sweet, jeva!”

Tito Sen binalikan ang araw nang itanan si Helen Gamboa; may tips para sa matatag na married life

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending