Hirit ni Mimiyuuuh sa pagbabalik-trabaho after ng holiday: Yung HR mo maglo-long post kasi ang tamad-tamad mo | Bandera

Hirit ni Mimiyuuuh sa pagbabalik-trabaho after ng holiday: Yung HR mo maglo-long post kasi ang tamad-tamad mo

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Hirit ni Mimiyuuuh sa pagbabalik-trabaho after ng holiday: Yung HR mo maglo-long post kasi ang tamad-tamad mo

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 08:09 AM

Hirit ni Mimiyuuuh sa pagbabalik-trabaho after ng holiday: Yung HR mo maglo-long post kasi ang tamad tamad mo

Donnalyn Bartolome at Mimiyuuuh

PAK na pak sa mga netizens ang latest motivation video ng social media personality at influencer na si Mimiyuuuh kahapon, January 9.

Hindi man nagbanggit ng pangalan ang internet sensation, ang paniwala ng mga nakapanood nito ay si Donnalyn Bartolome ang kanyang pinatatamaan na na-bash nang bonggang-bongga dahil sa kanyang “back to work” hugot pagkatapos ng holiday season.

Bentang-benta sa kanyang socmed followers ang mga hirit ni Mimiyuuuh tungkol sa pagbabalik trabaho sa pagpasok ng 2023.

“Oh bakit ka sad? Kasi back-to-work na naman tayo? alam mo ‘wag ka nang malungkot kasi mamaya may magalit… kimmy lang, kimmy lang. Huwag ka na malungkot.

“Oh smile ka nga daw bhe, patingin ng smile… oh ang ganda ganda ng smile mo eh. ‘Wag ka na malungkot,” ang nakakalokang hirit ni Mimiyuuuh.

Dagdag pa niya, “Work na lang po tayo kasi mamaya may mag-long post… kimmy lang!!! huy kimmy lang… yung HR. Yung HR mo yung mag-lo-long post kasi ang tamad tamad mo, wala kang natatapos na trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


“Gusto mo ba yung ganun? Oh ‘di ba hindi naman. Tara work na po tayo, opo. Work tayo? Tara work po tayo. Opo,” sabi pa ni Mimiyuuuh.

In fairness, every Monday ay nagpapasabog ng good vibes si Mimiyuuuh sa pamamagitan ng kanyang bonggang-bonggang motivation video para huwag magtamad-tamaran ang mga estudyante at empleyado sa pagpasok sa eskuwela at sa trabaho.

Kung matatandaan, umani ng batikos ang naging pahayag ng actress-singer at vlogger na si Donnalyn tungkol sa mga nalulungkot sa pagbabalik-trabaho matapos ang Pasko at Bagong Taon.

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” ang sabi ni Donnalyn sa kanyang Facebook post noong Enero 3.

Dagdag pa niya, “Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.

“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet,” sabi pa ng YouTuber.

Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa motivation video ni Mimiyuuuh.

“St. Donnalyn Bartolome, Patron Saint of Labor and Employment, hindi po kami karapat-dapat na magreklamo sa trabaho, ngunit sa isang post mo lamang, ay sisipagin na kami.”

“Tinatamad ako bumangon pero dahil nakita ko toh at dahil may magagalit eto na babangon na!!!”

“TANGINA MO MIIIII HAHAHAHAHAHA SANTO YUNG KALABAN MO.”

“HAHAHAHAHAHA IT’S THE LONG POST FOR ME.”

SHUTACCA MIMI HAHAHAHAHAHAHAHHAHA KIMMY!!!!!”

Sana lahat ng influencer ganito talaga mang motivate kesa mag long post at gaslight.”

“THIS IS THE KIND OF MOTIVATION WE NEED AND WE WANT”

“Shutacca HAHAHAHA I love the confidence mi naka follow pa naman kayo sa isat isa.”

“Donnalyn left the group hahhahaa”

“THE SHAAAAADDEEEEE WAHAHHAHAHHA!”

“Hahahahaha I look forward to your monday motivations talagaaa. And this is my fave!”

Boobay: Wala akong nakitang tamad si Super Tekla, hindi rin siya nale-late

Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending