Judy Ann balik-teleserye after 4 years: Unti-unti na ulit akong nagiging artista | Bandera

Judy Ann balik-teleserye after 4 years: Unti-unti na ulit akong nagiging artista

Pauline del Rosario |January 08,2023
facebook
share this

Judy Ann balik-teleserye after 4 years: Unti-unti na ulit akong nagiging artista

Pauline del Rosario - January 08, 2023 - 01:06 PM

Judy Ann balik-teleserye after 4 years: Unti-unti na ulit akong nagiging artista

MATAPOS ang halos apat na taon ay magkakaroon na ulit ng teleserye ang Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos.

Kinumpirma ito mismo ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories.

Wala pang detalye mismo sa upcoming project, pero mapapanood sa serye ng video post ni Juday na naghahanda na siya para sa kanyang taping.

“Ito na me! Back to work. Shooting for a series,” sey niya habang siya ay sinisimulan nang ayusan.

Sa isa pang IG story ay nagawa pang magbiro ng aktres at masayang sinabi na nagiging artista na raw siya.

“Unti-unti na ulit akong nagiging artista,” saad ni Judy Ann.

Aniya pa, “May kilay na ako, na-bo-blower na buhok ko. Yes, I think today, I’m an artist.”

Hindi naman tuluyang iniwan ni Juday ang mundo ng showbiz dahil paminsan-minsan ay nagkakaroon din siya ng hosting stint.

Taong 2022 ay naging guest host siya ng morning talk show na “Magandang Buhay” upang pansamantalang palitan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na magkakaroon ng concert sa mga panahon na ‘yun.

Napanood din ang aktres sa kanyang docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan” na ipinalabas din noong nakaraang taon.

Pero pagdating sa mga teleserye, huling bumida si Juday sa teleserye ng ABS-CBN na may titulong “Starla” noong 2019.

Nagkaroon din siya ng guest appearance sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng kaparehong taon.

Matatandaan na naging vocal rin si Judy Ann na iniiwasan niyang tumanggap ng mga proyekto dahil na rin sa COVID-19 pandemic para na rin sa seguridad ng kanyang pamilya.

Related chika:

Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending