Shaina Magdayao nagpasalamat sa mga pasorpresa ng 2022; magkadyowa na kaya ngayong 2023? | Bandera

Shaina Magdayao nagpasalamat sa mga pasorpresa ng 2022; magkadyowa na kaya ngayong 2023?

Ervin Santiago |January 08,2023
facebook
share this

Shaina Magdayao nagpasalamat sa mga pasorpresa ng 2022; magkadyowa na kaya ngayong 2023?

Ervin Santiago - January 08, 2023 - 08:02 AM

Shaina Magdayao nagpasalamat sa mga pasorpresa ng 2022; magkadyowa na kaya ngayong 2023?

Shaina Magdayao

TODO-TODO ang pasasalamat ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao sa nagdaang 2022 dahil sa dami ng magagandang nangyari sa kanyang career at personal na buhay.

Thankful din siya sa lahat ng mga challenges na pinagdaanan niya nitong nagdaang taon dahil marami rin siyang natutunan sa mga ito that made her a better person.

Sa kanyang Instagram account, binalikan muna ni Shaina ang mga highlights ng kanyang 2022 bago niya winelkam nang bonggang-bongga ang 2023.

“Welcoming the new year with a renewed mind and a hopeful, grateful heart. Cheers to everything He has planned for 2023,” simulang pagbabahagi ng sisteraka ni Vina Morales.

Pagpapatuloy pa niya, “2022, thank you for gifting me with surprises, chances and endless chances, renewed appreciation, renewed passion, renewed sense of self.

“A family that served as my anchor, friends as earth angels (thank you Lord for these beautiful souls), healthy mind and body.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


“HIS strength made perfect in my weakness, HIS light shining the brightest most especially at my darkest, HIS comforting peace and generosity beyond my understanding.

“HIS humbling undeserved grace and HIS unfathomable love,” pahayag pa ng dalaga sa inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

“Onwards and upwards! Intentional and purposeful! Arms and heart wide open. 2022, thank you for my wings! This new year, we rise, we fly,” ang hirit naman niya sa pagpasok ng Bagong Taon.

Bukod sa mga gagawin niyang bagong projects sa ABS-CBN, tinatapos na rin ni Shaina ang kanyang first-ever international series na “Almost Paradise.”

Isa itong American-Filipino crime drama television series produced by Dean Devlin and Gary Rosen na kinukunan nga ngayon sa Pilipinas.

Base sa mga Instagram post ng lead star nitong si Christian Kane, sa ilang magagandang lugar sa Cebu sila nagsu-shooting para sa  second season ng “Almost Paradise.”

Pero bukod sa mga next projects ni Shaina, ang talagang inaabangan ng kanyang fans ay kung magkakaroon na siya ng dyowa ngayong 2023.

Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na ‘the one’: Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy…

Gerald, Shaina, Zanjoe, Ronnie, Sam binalikan ang mga bonggang ganap sa kanilang showbiz career

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending