DonBelle #TravelPaMore ang wish ngayong 2023; Melai may hugot sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin | Bandera

DonBelle #TravelPaMore ang wish ngayong 2023; Melai may hugot sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin

Ervin Santiago |January 08,2023
facebook
share this

DonBelle #TravelPaMore ang wish ngayong 2023; Melai may hugot sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin

Ervin Santiago - January 08, 2023 - 08:56 AM

DonBelle #TravelPaMore ang wish ngayong 2023; Melai may hugot sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin

Donny Pangilinan, Belle Mariano at Melai Cantiveros

HASHTAG #TravelPaMore ang isa sa mga gustong karirin ng phenomenal Kapamilya loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ngayong 2023.

Ayon kay Donny, ngayong medyo maluwag-luwag na ang ipinatutupad na health protocols sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo, wish niya ngayong Bagong Taon na mas marami pang mapuntahang magagandang lugar.

Bukod dito, looking forward din ang tambalang DonBelle sa mga susunod pa nilang projects sa ABS-CBN na talagang hinihintay na ng milyun-milyon nilang fans all over the universe.

“I hope 2023 is full of positivity and happiness not just for me but for everyone else,” pahayag ni Belle sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Sey naman ni Donny, “Sana ngayong 2023 ay mas ma-strech pa ako in terms of learning my craft. Spend more time with friends and family as well. And travel more.”

Bukod kina Donny at Belle nagbigay din ang ilan pang Star Magic artists ng kanilang mga plans and wishes ngayong 2023.

Wish ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi, “Is for the pandemic to end for us to all go back to normal and be happy and maging masaya.”

Ito naman ang hiling at dasal ni Melai Cantiveros, “Sana ngayong 2023 ay talagang more blessings sa ating lahat.

“Makayanan natin ang phase ng ating buhay ngayon na tumataas ang presyo (ng mga bilihin), makayanan at malagpasan natin lahat. Sana dire-diretso na ma-survive natin ang pandemic at maging good health lahat,” dagdag pa ng TV host-comedienne.

“It’s not actually like a change but to improve on what we do on our craft. Mas maging confident and disciplined pa sa mga ginagawa, sa work most especially,” sey naman ni Angela Ken.

Para naman kay AC Bonifacio, “I really haven’t thought about it that much but I just want to be the better version of myself every year.”

Kakaririn naman ng anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda ang pagwo-workout this year.

“Mas maging siguro solid sa fitness goals. Pero I think I would like to focus on bettering myself in terms of health, being more confident I guess with my body and things like that. And to get better as an artist and as a person and to go with many experiences in life,” chika ni Jayda.

Ito naman ang New Year’s resolution ni Aljon Mendoza, “For me every year mas sinisipagan ko para mas mag-improve at ma-achieve ang mga bagay na hindi ko pa naa-achieve.

“Sana next year (2023) mas marami pang achievement na ma-experience ko together with Jayda. Kasi next year maraming mangyayari sa amin and individually. Sobrang nae-excite lang kami ngayon,” aniya pa.

Sey naman ni Maymay Entrata, “Siguro ang wish ko na lang na sana po ay kung ano ang gusto kong baguhin sa sarili ko. Maging mas better ako, sana matupad.”

DonBelle bumandera sa isang US news outlet para sa ‘An Inconvenient Love’

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending