Solenn Heussaff ibinunyag na ang tunay na pangalan ng 2nd baby nila ni Nico Bolzico | Bandera

Solenn Heussaff ibinunyag na ang tunay na pangalan ng 2nd baby nila ni Nico Bolzico

Pauline del Rosario - January 06, 2023 - 12:27 PM

Solenn Heussaff ibinunyag na ang tunay na pangalan ng 2nd baby nila ni Nico Bolzico

PHOTO: Screengrab from Solenn Huessaff’s YouTube vlog

ISANG buwan matapos isilang ang second baby ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ay ni-reveal na sa wakas ang pangalan ng sanggol.

Meet, Maëlys Lionel!

Totoo naman pala ‘yung unang sinabi ni Nico noong ibinalita niya na nanganak na ang kanyang misis.

Kung matatandaan, noong December 14 ay excited na ipinost ni Nico ang kanyang video na tuwang-tuwang nanalo ang kanyang bansang Argentina sa FIFA World Cup finals.

Kasabay din niyan ay ibinunyag niyang “Lionel” ang magiging second name ng kanilang baby na kung saan ay ipinangalanan ito sa Argentinian professional footballer na si Lionel Messi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Para sa kaalaman ng marami, si Messi ang namuno sa koponan ng bansang Argentina sa semi finals upang makuha ang finals slot sa World Cup.

Anyway, ito na nga, ibinandera na mismo ni Solenn sa kanyang Instagram ang opisyal na pangalan ng kanilang second baby.

Caption pa niya, “December 14, the birth of our second daughter Maëlys Lionel Bolzico.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Kalakip din ng caption ang isang video clip na ipinapakita ang pagle-labor ni Solenn sa Makati Medical Center.

Sa hiwalay na IG post naman ni Nico ay ipinaliwanag niya kung bakit “Lionel” ang kanilang napili na pangalan.

Ayon sa kanya, masyado na kasing French ang pangalan ng kanilang anak.

Kung hindi niyo pa alam ay may dugong French si Solenn.

“A lot of people that just watched Solenn’s video have been asking me, ‘How could I know my daughter Lionel?’ The reason is I need her to feel Argentinian, she feels so French already because she is our second daughter,” chika ni Bolzico sa uploaded video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Nitong Hulyo nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Ang gender reveal ay nakumpirma noong Setyembre.

Taong 2016 nang ikinasal sina Solenn at Nico.

Taong 2020 naman nang isinilang nila ang kanilang first baby na si Thylane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Solenn Heussaff ibinandera ang pregnancy journey sa 2nd baby nila ni Nico Bolzico

Solenn Heussaff ipinasilip na sa publiko si Baby Lionel; tuloy ang pagiging proud ‘padede mom’

Solenn Heussaff nanganak na sa 2nd baby, sey ni Nico Bolzico: ‘We just had a super healthy baby girl’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending