Jodi sinagip ang kuting na iyak nang iyak sa airport: 'I got her, took her home and named her NAIA' | Bandera

Jodi sinagip ang kuting na iyak nang iyak sa airport: ‘I got her, took her home and named her NAIA’

Reggee Bonoan - January 05, 2023 - 08:23 PM

Jodi sinagip ang kuting na iyak nang iyak sa airport: 'I got her, took her home and named her NAIA'

Jodi Sta. Maria at ang sinagip niyang kuting na si Naia

UMANI ng papuri mula sa netizens ang aktres na si Jodi Sta. Maria nang iuwi niya ang isang umiiyak na kuting sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA kaninang hapon.

Sa kanyang Twitter account ay ipinost ni Jodi ang larawang nasa kandungan niya ang kuting habang nakatingin sa kanya na tila nagpapasalamat dahil kinuha siya habang nababangga siya ng mga push cart sa airport.

Ang tweet ng best actress sa nakaraang Asian Academy Creative Awards sa Singapore, “Poor kitty now has a new home. Found this kitten at the airport.

“She kept meowing as if asking for humans to feed and help her. It was raining too so she must have been cold. Kawawa ‘coz nababangga siya ng cart ng passengers. Napagalitan pa ako ng isang pasahero.

“Kasi pinigilan ko ‘yung cart n’ya kasi nga madadaanan ‘yung kuting. But I super understand naman kasi everyone was rushing to get home from their flights.

“Sabi ko lang ‘Manong pasensya na po may pusa po kasi.’ Then he told me ‘wag n’yo kasing iwan kung saan-saan alaga nyo.’

“Then he (kitten) stormed off. In my head, ‘hindi ko siya alaga…magiging alaga pa lang.’ So I got her, took her home and named her Naia, pronounced as Na-ya kasi sa NAIA Terminal 1 ko siya nakuha.

“Now, she’s safe with us. Scheduled na rin for a vet visit. Ayun lang konting story time,” pahayag ni Jodi.

Sumampa sa kulang 500,000 views, almost 14,000 likes, 1,070 retweets at 700 quotes ang nakuha ng post na ito ni Jodi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento mula sa netizens.

Galing kay @angie rodillo, “@JodiSta.Maria Thank you for saving Naia-Yuki.”

Mula kay @yayanisuzy89, “I just saw this after my mom threw our cats somewhere coz they’re in heat and she can’t sleep. I’m still pulling my hair if that decision is valid or not.”

Sagot naman ni @musings631933, “Replying to @yayanisuzy899 and @JodiStaMaria.”

“Kapon ang solution kapatid. Spay/neuter ur cats. Para hindi sila dumami, at di mag ingay. Nature nila mag ingay kapag in heat. Di nila yun mapipigil. Tayo qng may kakayanan na gumawa ng paraan. Sana sa sunod kakuha ka po ng slots sa mga libreng kapon. Pusa ko lahat free kapon.”

Marami pang nagpasalamat kay Jodi sa pagsagip nito sa stray cat.

Samantala, galing sa Japan si Jodi kasama ang pamilya niya at anak na si Thirdy.

Ogie Diaz umalma sa kongresistang gustong palitan ang pangalan ng NAIA

Lalaki binaligtad ang watawat ng Pilipinas sa NAIA, inaresto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni RR Enriquez, hindi dapat ipangalan kay Marcos ang NAIA: It will only divide us!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending