Alden Richards binagyo ng blessing noong 2022: ‘Ang daming hardships pero kahit hirap na hirap I was able to get through it’
ISA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga sikat na celebrities na binagyo rin ng bonggang-bonggang swerte nitong nagdaang taon.
Para kay Alden, naging super blessed siya sa kanyang career pati na rin sa mga business last 2022 kaya naman puro pasasalamat na lang sa Diyos at sa lahat ng mga0 taong patuloy na nagmamahal, nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.
“Ang daming hardships, ang daming discoveries but at the end of the day it’s all about achieving your dreams, ‘yung goal mo. ‘Yung kahit paano, kahit hirap na hirap ka. But, I was able to get through it,” pahayag ni Alden sa isang panayam.
Itinuturing din niyang blessing na natanggap niya last year ang 2022 ang pagiging bahagi ng Philippine adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up PH.”
Ito ang first ever teleserye na pinagsamahan nila ng Kapuso actress at movie queen na si Bea Alonzo. Nakasama rin nila sa progrma sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales at marami pang iba.
Bukod dito, isa pa raw sa highlights ng taon na ito para kay Alden ay ang pagtatayo ng sariling kumpanya – ang Myriad Corporation na isa sa mga producer ng matagumpay na reunion concert ng Eraserheads.
View this post on Instagram
“Everything entertainment, we do productions, we do live events, concerts. We also do esports. ‘Yung esports, ano ko ‘yun, department ko ‘yun,” aniya.
At para naman sa mga plano niya ngayong 2023, sey ni Alden, “There is no New Year’s Resolution, ‘di ba? Ang resolution mo is always everyday.
“Never look back into the past because you’re not on your way there. Focus ka lang sa kung ano ‘yung nangyayari sa ‘yo ngayon. It’s always about the next step.
“Of course, there’s a goal pero sometimes kasi ‘yung journey mo sa goal is masyado pang malayo. Pero if you’re able to see your next step, then ‘yun muna ‘yung sundan mo and eventually you’ll end up with your goal,” pagbabahagi pa ni Alden.
Samantala, tulad ng mga nagdaang taon, isa si Alden sa mga Kapuso stars na nakibahagi sa naganap na “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” last Saturday.
Nakasama niya sa selebrasyon ang mga kapwa Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Dasuri Choi, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Thea Astley, Sanya Lopez, Derrick Monasterio at marami pang iba.
Nag-perform din ang mga sikat na Korean boy bands na NCT 127, NCT DREAM, TOMORROW X TOGETHER, CRAVITY, ENHYPEN, ITZY, aespa, TEMPEST at NewJeans.
Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics
Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.