Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely! Bandera

Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely!

Ervin Santiago |January 02,2022
share this

Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely!

Ervin Santiago - January 02, 2022 - 08:35 AM

Pia Wurtzbach

“TIME” at “pamilya” pangunahing hugot ng beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach sa pagsalubong niya sa Bagong Taon.

Todo ang pasasalamat ng dalaga na sa kabila ng mga matitinding hamon na pinagdaanan niya nitong nagdaang taon ay nananatili pa rin siyang matatag palaban sa buhay.

Kasabay nito, may mga ilang paalala din ang aktres at TV host sa sambayanang Filipino sa pagsisimula ng 2022.

Bilang pag-welcome sa New Year, nag-post ang Miss Universe 2015 titleholder sa Instagram ng bonggang video montage na naglalaman ng mga naging kaganapan sa buhay niya last year.

Kabilang na nga rito ang mga lugar na pinuntahan niya sa iba’t ibang bahagi ng mundo at ang mga hindi malilumutang bonding moments nila ng kanyang pamilya. Maririnig naman sa background ang kanta ng OneRepublic na “Good Life”.

Sabi ni Pia sa kanyang caption, “Every second of our life counts. Time, I learned, is non-refundable. So we need to use it wisely and spend it with the people we love.”

Dagdag pa niyang mensahe, “Challenges aside and looking back at my 2021, I can definitely say, this has gotta be the good life. Feeling Grateful. Blessed. Loved.”


Kasunod nito, binati na niya ng “Happy New Year” ang buong universe at hiniling na sana’y mas maging masagana at masaya pa ang lahat ng tao sa mundo, “filled with new and magical beginnings.”

Nitong nagdaang Pasko, umuwi si Pia sa kanyang childhoom home sa United Kingdom para muling makasama ang pamilya.

Bukod sa pakikipag-bonding sa kanyang parents, tuwang-tuwa rin ang aktres nang muling makasama ang kapatid na si Sarah, at ang mga pamangkin na sina Lara at Logan.

Aniya, enjoy na enjoy siya sa kanyang UK life na malayo sa showbiz, “Ang saya gumising ng di kailangang mag-glam at magplantsa ng aking sirena hair (who’s with me?! Hahaha) and also to go to the supermarket leisurely without having to rush.

“It’s Back-to-Basics Pia and I’m loving every second of it,” sabi pa ng dalaga.

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending