New Year goal ni Darryl Yap: 'Magpapaaral ako, tag n'yo mga bashers kong dugyot at walang pinag-aralan' | Bandera

New Year goal ni Darryl Yap: ‘Magpapaaral ako, tag n’yo mga bashers kong dugyot at walang pinag-aralan’

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

New Year goal ni Darryl Yap: ‘Magpapaaral ako, tag n’yo mga bashers kong dugyot at walang pinag-aralan’

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 08:18 AM

New Year goal ni Darryl Yap: 'Magpapaaral ako, tag n'yo mga bashers kong dugyot at walang pinag-aralan'

Darryl Yap

BINASAG ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang isang Twitter user na kumuwestiyon sa pagpo-post niya sa social media ng kanyang mga kayamanan.

Nabasa ng young filmmaker na nasa likod ng blockbuster hit movie na “Maid In Malacañang” ang patutsada ng nasabing netizen kaya naman agad niya itong niresbakan.

Tweet ng isang @iamvince0825, “Ang lakas ng Tamá ni Daryl Yap. Never boast about riches or material wealth.

“Life is like a wheel, sometimes you’re up, sometimes you’re down. Adage sound cliche, but it hold much wisdom.

“Shallow, replaceable treasures such as 3 condo units and four vehicles can be easily lost,” pahayag pa niya.

Sa isa pa niyang Twitter post, ito naman ang nakasulat, “Nakakaawa ka Daryl Yap, you don’t know that you are flaunting your loneliness and miseries. Buhay SCROOGE ka lang.”


Patol kung patol din si Direk Darryl sa nasabing netizen kaya ni-repost niya ang tweet ng netizen sa Facebook at nilagyan ng caption na, “Yung pagpopost ko raw ng 3 condo units, 4 cars ay sign na insecure ako. HAHAHA!

“Beh, baka pag pinost ko yung bags, shoes, jetski and all— baka may mental health problem na ko?

“Pinost ko yun para sa mga gaya mo, sa mga pinaniniwalang masaya sila. Walang Taong laging masaya, kasi wala yung halaga. Dapat marunong kang maging malungkot para alam mo ang saysay ng kaligayahan,” panunupalpal pa ng direktor.

Hirit pa ni Darryl, “Para sa gaya mo ang mga post ko na iyon, Buo ang aking pamilya, may magandang karera at may mga matatapang na taga-suporta.

“Kung malungkot man yun sa paningin mo—At least malungkot akong mayaman…kesa kayo—malungkot na mahirap at laging apektado sa malungkot na mayamang katulad ko,” sey pa ng direktor.

Samantala, sa isa pa niyang FB post, ibinahagi ni Direk Darryl ang kanyang New Year’s goal. Aniya, “Magpapaaral ako ng Basher.

“Tag nyo mga bashers kong dugyot at walang pinag-aralan para maqualify natin kung sino ang mga pinakadeserving,” hirit pa niya.

Phone ni Derek binasag ni Ellen; Jayzam kumupit sa lolo para mai-date si Camille

Ilang miyembro ng Ben&Ben nag-positive rin sa COVID-19, concert sa Dubai hindi na muna itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Phone ni Derek binasag ni Ellen; Jayzam kumupit sa lolo para mai-date si Camille

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending