Mini-album ni Jace Roque na 'Inferno' hugot kung hugot: 'Dito ko ibinuhos yung iba't ibang pain na na-experience ko' | Bandera

Mini-album ni Jace Roque na ‘Inferno’ hugot kung hugot: ‘Dito ko ibinuhos yung iba’t ibang pain na na-experience ko’

Ervin Santiago - January 01, 2023 - 08:33 AM

Mini-album ni Jace Roque na 'Inferno' hugot kung hugot: 'Dito ko ibinuhos yung iba't ibang pain na na-experience ko'

Jace Roque

MARAMING inihahandang pasabog ang P-pop artist at songwriter na Jace Roque para sa kanyang mga tagasuporta ngayong 2023.

Bukod sa kanyang singing at recording career, looking forward din ang binata sa pagbabalik niya sa larangan ng pag-arte dahil miss na miss na rin niya ang acting.

Pero sey ng binata, baka raw maging choosy din siya sa pagtanggap ng mga acting projects. Mas gusto raw kasi niyang gumawa ng mga makabuluhang pelikula na makaka-inspire sa mga manonood.

Naka-one-on-one chikahan namin si Jace kamakailan para sa promo ng kanyang mini-album na “Inferno” at dito nga niya nabanggit na posibleng mapanood siya uli ng kanyang fans sa TV at pelikula.

In fairness, naniniwala kami na magiging effective na aktor si Jace dahil sa dami ng pwedeng paghugutan sa kanyang personal life na maaari niyang gamitin sa pagbabalik niya sa pag-arte sa harap ng camera.

Tulad na lang ng panloloko sa kanya ng dati niyang karelasyon at ang patuloy na pakikipaglaban sa mga mental health issues.

At knows n’yo ba na ang naranasang heartbreak ang nagsilbing inspirasyon niya sa pagsulat ng bago niyang kantang “Trust” na kabilang nga sa apat na track sa kanyang mini “hugot” album na “Inferno.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jace Roque (@jaceroque)


Bakit nga ba “Inferno” ang napili niyang titulo ng album, “The title is inspired by Dante Alighieri’s Divine Comedy. In Dante’s Inferno, he describes his descent to the Nine Circles of Hell in a very vivid and graphic manner.

“Ang connect dito sa album is lahat ng kanta ay tungkol sa mga hell-like experience ko sa buhay, lahat ng hugot ko sa personal life,” paliwanag ni Jace.

“Inferno is about the struggles I’ve experienced for the past couple of years. Dito ko binuhos yung iba’t ibang pain na na-experience ko, from love to family to career.

“The creative process behind it was I just wanted to translate my pain into art. I wanted it to be as authentic and unapologetic as it can be,” kuwento pa ng singer-songwriter na kaanak ng OPM legends na sina Gino Padilla at Luke Mejares.

Bukod sa “Trust” mapapakinggan din sa “Inferno” ang “Di Para Sa Yo”, “Back To The Beginning” at “Be Someone” na pwedeng-pwedeng gawing themesong ng mga teleserye at pelikula.

“All of my tracks are autobiographical and based on my personal experiences, it’s like a music diary. In terms of what song affected me the most, it would be ‘Trust’.

“Ito yung pinakamahirap sa lahat na naisulat ko kasi nga nu’ng mga panahong yun, everything was fresh, I wrote the track a few hours after finding out that there was a third party in my relationship.

“But through this song I was able to process and heal, and that powerful journey garnered recognition and nominations from Awit Awards and PPop Awards,” aniya pa.

Kamakailan ay napasama si Jace sa mga nominees para sa People’s Voice Favorite Male Artist ng 35th Awit Awards at Pop New Male Artist of the Year sa 7th PPOP Awards. Naging cover din siya ng Spotify Fresh Finds ngayong 2022 dahil sa kanyang mga hit songs.

Singer-songwriter Jace Roque inatake ng depresyon dahil sa lovelife; gustong maka-collab sina James, Nadine at SB19

P-pop star Jace Roque malalim ang hugot sa bagong kanta, may inamin tungkol sa mga magulang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira nakipag-bonding sa lolo, nag-long drive para makalimot?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending