Andrew Schimmer patuloy na paiimbestigahan ang kapalpakan ng nutritionist na tumingin kay Jho Rovero
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak at puso ni Andrew Schimmer ang pagkamatay ng kanyang partner na si Jho Rovero.
Nailibing na kahapon ang kanyang pinakamamahal na asawa sa Marilao Memorial Garden, Lias sa Marilao Bulacan matapos ang siyam na gabing burol nito sa Sanctuario De San Miguel De Marilao Poblacion.
Matatandaang noong December 20 ibinalita ni Andrew sa publiko sa pamamagitan ng social media ang pagpanaw ni Jho na matagal-tagal ding nakipaglaban sa sakit na severe hypoxemia at sa iba’t ibang kumplikasyon.
Ayon kay Andrew, until now ay hindi pa rin siya makapaniwala sa sinapit ng asawa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Dahan-dahan pa raw niya itomg pina-process sa kanyang isip.
Naghihintay pa rin daw sila ng kasagutan at paliwanag mula sa ospital kung saan na-confine si Jho dahil sa kapalpakan umano ng nutritionist na naging sanhi ng biglang pagtaas ng sodium sa katawan ng asawa.
Dapat sana’y nasa recovery stage na si Jho matapos umuwi sa kanilang bahay pero makalipas lamang ang isang linggo ay isinugod nila ulit ito sa hospital hanggang sa magkaroon na ng maraming kumplikasyon.
Aniya, ito raw ang patuloy nilang iniimbestigahan dahil feeling nila ay may nangyari talagang “something” habang nagpapagaling si Jho. Plano nilang balikan ang ospital ngayong nailibing na si Jho.
Wala pa rin daw siyang nakakausap na mga namamahala sa ospital at hindi pa nila ito talaga naaasikaso dahil nga naka-focus sila sa kalagayan ni Jho.
Naibahagi rin ni Andrew na nakatakda na sana silang ikasal ni Jho noong December 21 kasabay ng kaarawan ng kanilang bunsong anak ngunit hindi na nga ito nangyari.
Samantala, sa isang panayam nagpaliwanag si Andrew tungkol sa ipinost niya sa social media ilang sandali matapos mamaalam si Jho.
“Siyempre kapag galit ka, kapag masama ang loob mo ayaw mong naaalala yung mga masasayang season.
“And this season is brings so much pain and suffering. Kaya nga sabi ko parang ayaw ko nang magPasko what’s the point of celebrating Christmas.
“Kaso hindi naman lahat ng tao nagluluksa tulad mo. Kaya nga sabi ko hindi ko puwedeng idamay ang lahat ng tao dahil malungkot ako. I need to greet them.
“I need to be happy for them di ba? Ikaw lang naman yung may pain huwag mong idamay yung buong mundo,” pahayag ng model-actor sa nasabing interview.
Andrew Schimmer: Don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them
Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal
Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.