Dennis Padilla binati ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon at Dani ngayong Pasko, dedma pa rin? | Bandera

Dennis Padilla binati ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon at Dani ngayong Pasko, dedma pa rin?

Therese Arceo |December 26,2022
facebook
share this

Dennis Padilla binati ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon at Dani ngayong Pasko, dedma pa rin?

Therese Arceo - December 26, 2022 - 12:17 PM

Dennis Padilla binati ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon at Dani ngayong Pasko, dedma pa rin?

SA kabila ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay hindi pa rin nakalimot ang komedyanteng si Dennis Padilla ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at Dani ngayong Pasko.

Sa kanyang Instagram ay magkakahiwalay siyang nag-post ng thrownack photos kasama ang apat.

“Dear Juy… Merry Christmas! God bless you more.. Love you,” bati ni Dennis kay Julia.

Kay Claudia naman, “Dear Claui… Merry Christmas anak… Praying for more blessing… Love you.”

“Dear Leon Marcux… Merry Christmas anak… Miss you!!! God bless,” greeting naman ni Dennis kay Leon.

Sey naman niya kay Dani, “Dear Dani… Merry Christmas anak… Praying for more blessings… Hope to meet Millie soon… Love you anak.”

Marami naman sa mga netizens ang nakisimpatya kay Dennis dahil tila deadma pa rin sa kanya ang mga anak kahit na Pasko.

“Wag nyo na lang po pilitin sarili nyo sa mga taong ayaw po sa inyo… Masakit man po tanggapin lalo’t mga anak nyo pa. Wag nyo na lang pilitin. Bahala na lang po si God sa kanila,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Kawawa nmn si sir dennis greet ng greet deadma lng ng mga anak nya..wla man lng reply s knya. Godbless po sir dennis naway kau po bigyan ng marami blessings ni God.”

“Merry Christmas Sir. Wish ko lang sana dumating na yung time na magkaayos kayong pamilya. Keepsafe po godbless,” saad naman ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Samantala, nag-post naman si Marjorie sa kanyang Instagram account ng picture nilang buong pamilya.

Matatandaang isa sa mga pinag-usapan ngayong taon sina Dennis, Leon, at Julia dahil sa mga online posts at naginh

Ngayong taon, ilang kontrobersya ang hinarap ng pamilya Barretto kasunod na rin ng mga direktang patutsada at online posts ni Dennis sa mga anak maging ang naging interview ni Julia sa broadcaster na si Karen Davila.

Related Chika:
Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay!

Dennis Padilla umaasang makasama man lang ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon sa lunch o dinner

Claudia ‘no reaction’ sa 2 beses na ‘happy birthday’ ni Dennis, pero nag-‘I love you’ sa message ni Marjorie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending