Dennis Padilla dismayado sa isang seafood restaurant, bill umabot ng mahigit P38,000 | Bandera

Dennis Padilla dismayado sa isang seafood restaurant, bill umabot ng mahigit P38,000

Therese Arceo - December 21, 2022 - 12:24 PM

Dennis Padilla dismayado sa isang seafood restaurant, bill umabot ng mahigit P38,000
LABIS ang pagkadismaya ng komedyanteng si Dennis Padilla sa isang seafood restaurant na kanilang kinainan matapos makita ang nakalululang presyo ng mga pagkain.

Noong Sabado, December 17 ay ibinahagi niya ang isang video sa kanyang Instagram account kung saan naglalabas siya ng saloobin patungkol sa naturang restaurant.

Pagbabahagi ni Dennis, doon raw napiling kumain ng kaibigan niyang balikbayan ngunit huli na nang malaman nila kung gaano kamahal ang mga pagkain sa seafood restaurant.

Umpisa niya ang isang inuming shake ay nagkakahalaga ng P450 samantalang ang isang kilong lobster raw ay umabot naman daw ng P5,500.

“Nakaka-frustrate, nakakalungkot… kasi kapwa Pilipino, ganun ang ginagawa nila. Kung pupunta kayo rito, tanong n’yo muna kung magkano yung price,” pagbabahagi ni Dennis.

Dagdag pa niya, “Sobra… Alam mo, sobra. Kami sanay kaming magbayad nang mahal, pero ito sobra.”

Ipinakita nga rin ni Dennis ang resibo ng kanilang mga kinain na umabot ng P38, 868 na binayaran daw ng best friend niyang balik bayan.

“Ako nahihiya ako… hindi po ako ang nagbayad pero bestfriend ko po ang nagbayad. Ako po ‘yung nasaktan kasi balikbayan.

“Anyway, huwag nila itong gawin sa ibang Pilipinong darating o mga balikbayan nating darating this Christmas season,” sey pa ni Dennis.

Hiling rin niya na sana ay ma-check ito ng Department of Tourism dahil marami raw sa mga kababayan natin ang talagang pinaghirapan ang kanilang mga pera tapos para raw “hinoldap” ng restaurant kung ito man ang mapipiling kainan ng mga ito.

Ayon kay Dennis ay pito silang kumain na umabot nga ng mahigit P38,000 ang binayaran ng kanyang kaibigan.

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post mula sa mga celebrities at mga ordinaryong netizens.

“Grabe naman presyo!” saad ni Janno Gibbs.

Sey naman ng isang netizen, “Lesson learned po magtanong muna how much po yung oorderin n’yo or tingnan ang menu price ganiyan po talaga mamahalan kayo lalo na kung alam na balikbayan kayo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

“Mahal nga.,. Pero di nyo po ba nkita sa menu ung bawat price??? Parang ung hawak nyo na menu meron yta nka lagay na mga price.,. Nkka pagtaka nman dapat bago kau umorder ask nyo muna mgkno if di nkalagay sa menu ung price. ingat po next time,” sabi naman ng isa.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng naturang seafood restaurant hinggil rito.

Related Chika:
Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending