Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia? Bandera

Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Therese Arceo |October 27,2021
share this

Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Therese Arceo October 27, 2021 - 05:58 PM
Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Ivana Alawi, Julia Baretto and Dennis Padilla

IBINAHAGI ng aktor at komedyanteng si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account ang isang art card na may advice ni Ivana Alawi.

Ayon kasi sa post ni Ivana, dapat ay matuto ang mga anak na mahalin ang mga magulang habang buhay pa ang mga ito. Patawarin rin ang mga ito kung magkaaway man at huwag nang hintayin na dumating ang panahon na mawala ang mga ito.

“Great advice,” saad ni Dennis.

Marami tuloy sa mga netizens ang curious kung pinariringgan ba nito ang mga anak sa dating aktres na si Marjorie Barretto.

Matatandaang may mga kumakalat na balita na may alitan umano si Dennis sa kanyang mga anak lalo na kay Julia Barretto.

“Huwag na kasi po magparinig sir… maya mga anak mo naman i-bash,” comment ng isang netizen.

“Eh kasalanan mo naman eh. Noon maliit sila nangbabae ka.. Lahat ng time mo para sana sa family mo sa mga anak mo.. Hanap ka ng iba.. Instead na ayusin mo ang gulo ninyo ng asawa mo eh hindi.. Ngayon lumaki na mga anak mo.. at ok na sila..

“Nagpapansin ka naman ngayon.. bakit nasaan ka ba noon time na lumalaki sila.. Diva busy ka na naman sa pagbuo ng sarili mo pamilya at buhos oras mo fin sa mga anak mo na bago. Tapos ngayon papansin ka sa kanila,” bwelta ng netizen laban kay Dennis.

“Huwag mo na gamitin pa social media at magpaawa effect pa.. Stop it. Kasi nababash lag sila sa ginagawa mo.. Better if you stay silent and reach out in private.. Direct call or message.. Kung ayaw nila ACCEPT it kasi ikaw naman may kasalanan bakit naging malayo loob nila sayo,” sey pa ng isang netizen.

May ilang netizen naman ang nagtanggol sa aktor.

“Paano niyo nasabi na siya may kasalanan? Kamag-anak na po ba and nakita mo ba lahat?” depensa ng isang netizen.

“No one has the right to tell Dennis what to do. He has his own story,” dagdag pa ng isang netizen.

Matatandaang noong Mayo 2021 lang nang i-feature ni Julia si Dennis sa kanyang YouTube channel na may title na “Questions I’ve Never Asked My Dad” na ngayon ay hindi na makikita sa kanyang channel.

Marami rin ang nagsasabi na hindi na naman nagkaintindihan ang dalawa matapos maglabas ng pahayag ni Dennis ukol sa relasyon ni Julia kay Gerald Anderson.

Related Chika:

Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya
Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending