Aira Lipata pinatakpan ang tattoo sa tagiliran, netizens tumalak: 'Huwag kasi papa-tattoo agad kapag hindi kayo sigurado' | Bandera

Aira Lipata pinatakpan ang tattoo sa tagiliran, netizens tumalak: ‘Huwag kasi papa-tattoo agad kapag hindi kayo sigurado’

Therese Arceo - December 20, 2022 - 10:01 PM

Aira Lipata pinatakpan ang tattoo sa tagiliran, netizens tumalak: 'Huwag kasi papa-tattoo agad kapag hindi kayo sigurado'
USAP-USAPAN ngayon ang social media personality na si Aira Lipata matapos mapansin ng mga netizens ang cover up tattoo nito sa kanyang tagiliran.

Ito ay matapos niyang i-upload ang kanyang dance cover ng kanta ni Sarah Geronimo na “Dati-Dati” sa kanyang TikTok account.

Umani nga ng samu’t saring komento ang naturang video mula sa mga netizens dahil sa tila iba na ang tattoo nito sa tagiliran.

Dati kasi ay pangalan ng miyembro ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee ang naka-tattoo sa tagiliran ni Aira na ibinandera pa niya noong nakalipas na buwan.

“wag kase papatattoo agad ng name ng lalaki kapag hindi kayo sigurado parehas para di ka nasasaktan,” komento ng isang netizen.

@chiefairaphJwu♬ Dati-Dati – Sarah Geronimo

Saad pa ng isa, “UY BAT WALA NG YUNG SKUSTACLEE HAHAHAHAHAHA.”

“Sabing wag ipa tattoo eh,” sey ng isa.

Nireplyan naman ito ni Aira at sinabing, “Sorry na.”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA ubos na trial card sayo teh,” hirit pa ng isa.

Matatandaang si Aira ang itinuturing na “third party” diumano sa hiwalayang Zeinab Harake at Skusta Clee.

Bagamat walang kumpirmasyon ang dalawa na nagkaroon sila ng relasyon ay makikita sa kanilang mga Instagram stories ang photos nila together noong kasagsagan ng isyu na hiwalay na ang dalawa.

Ngunit mukhang hindi na si Aira ang nagpapatibok sa puso ng rapper dahil kamakailan lang nang mag-trending muli ang lalaki kasama ang Viva sexy star na si Ava Mendez.

Tamang flex nga si Skusta Clee ng mga larawan nila ni Ava kung saan makikitang sweet naxsweet ang mga ito na magkayakap. May video rin kung saan hinahalikan ng Ex-Battalion member ang sexy star.

Kaya naman pakiramdam ng mga netizens ay ito na ang bagong ka-relasyon niya at mas lalong nagpatibay sa mga hinala ng netizens na may “something” sa dalawa dahil nga pina-cover up na ni Aira ang kanyang tattoo na pangalan ni Skusta Clee.

Related Chika:
Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake may kinompronta nga bang babae sa loob ng isang bar?

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending