Drew Arellano may malalim na hugot kapag sumasapit ang Pasko, tinulungan ni Iya Villania para maka-move on | Bandera

Drew Arellano may malalim na hugot kapag sumasapit ang Pasko, tinulungan ni Iya Villania para maka-move on

Ervin Santiago - December 19, 2022 - 08:05 AM

Drew Arellano may malalim na hugot kapag sumasapit ang Pasko, tinulungan ni Iya Villania para maka-move on

Drew Arellano at Iya Villania kasama ang 4 na anak

KNOWS n’yo ba na may malalim na hugot pala ang Kapuso TV host na si Drew Arellano kapag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan?

Yan ang ibinahagi ni Drew at ng asawa niyang si Iya Villania sa mga Kapuso viewers nang mapag-usapan nila ang kahalagahan at tunay na mensahe ng pagdiriwang ng Christmas season.

Inamin ng “Biyahe ni Drew” host na totoong hindi siya masyadong nae-excite kapag dumating na ang “Ber months.” Ito’y dahil sa isang pangyayari noong 1987 na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kanyang isipan.

Ipinost ni Iya sa kanyang Instagram account ang isang video clip mula sa isang episode ng kanilang podcast, ang “Life with the Arellanos”.

Dito mapapanood ang Kapuso TV host-actress na nagpapaliwanag kay Drew ng kagandahan at kahalagahan ng pagdiriwang ng Pasko, lalo pa’t halos papatapos na ang pandenya sa buong mundo.

Sabi ni Drew, “Christmas was almost always not the best time of the year for me when my folks separated back in ’87.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


“Good thing my wife changed how I look at this yearly special event. Most especially when you want to set a positive tone for your kids,” paliwanag ni Drew.

Naghiwalay kasi ang parents ni Drew noong bata pa siya habang ipinagdiriwang nila ang Pasko kaya hindi talaga siya masisisi kung magkaroon siya ng isyu sa isa sa pinakamasayang okasyon sa buong mundo sa buong taon.

Pero sa tulong nga ng kanyang misis na si Iya, muling naibalik ang paniniwala niya sa Kapaskuhan lalo pa nga’t may sarili na siyang pamilya.

Sabi ni Iya, “This is why it’s so important to me because Christmas, it’s not like every quarter, it’s just once a year.

“And it’s once a year we can just bring everybody together. It would mean so much for me, for the kids, and for the kids to have a relationship with their cousins, aunts, uncles.

“And if it means that I have to take the initiative, then I will do it. If it means it’s going to bring everyone together,” paliwanag ng aktres.

Na-realize raw ni Drew na hindi habangbuhay ay magiging bitter siya sa nangyari noon sa kanyang mga magulang.

Ngayong may mga anak na rin siya, na-realize niya kung gaano kahalaga ang relasyon ng mga ito sa kanilang pamilya.

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Iya umaming hindi na-imagine na magpapakasal kay Drew: Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko, mars!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending