Heaven Peralejo umaming posibleng ma-fall at ma-in love kay Ian Veneracion, pero... | Bandera

Heaven Peralejo umaming posibleng ma-fall at ma-in love kay Ian Veneracion, pero…

Ervin Santiago |December 18,2022
facebook
share this

Heaven Peralejo umaming posibleng ma-fall at ma-in love kay Ian Veneracion, pero…

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 07:16 AM

Heaven Peralejo umaming posibleng ma-fall at ma-in love kay Ian Veneracion, pero...

Ian Veneracion at Heaven Peralejo

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na posible siyang ma-fall at ma-in love kay Ian Veneracion — kung wala itong asawa.

Ayon sa dalaga, nakikita niya sa aktor at dating matinee idol ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki na boyfriend at husband material.

“With all the qualities that he have, I think kung binata siya, yes. Let’s see,” sabi ni Heaven sa naganap na presscon ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na “Nanahimik Ang Gabi”.

Sabi naman ni Ian na gumaganap na sugar daddy ni Heaven sa pelikula, parang imposibleng maging sugar baby ang dalaga sa tunay na buhay dahil nakikita niya na super independent nga ang dalaga.

“Iniisip ko kung nasa pagkatao ko nga maging sugar daddy. Dati hindi e, pero since na makilala ko si Chief (ang character niya movie) parang may ganoong factor talaga tayo,” pahayag naman ni Ian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


“Naisip ko kung binata ako, maging sugar baby kita (sabay baling kay Heaven), hindi. Hindi kailangan. Hindi ka naman pang-sugar baby e,” mariing sabi pa ng seasoned actor.

Hirit naman ni Heaven sa kanyang leading man, “Hindi talaga ko papayag maging sugar baby. ‘Yung character ko sobrang dependent niya kay Ian. Lahat ng glamorous life niya is because of him.”

Pagsang-ayon naman ng aktor, “In real life kasi, she’s financially independent, she has a career, ang layo sa character niya, e.”

Ang “Nanahimik Ang Gabi” ay mula sa Rein Entertainment at mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico. Makakasama rin dito ang 5th The EDDYS best supporting actor na si Mon Confiado.

In fairness, trailer pa lang ng pelikula nina Ian, Mon at Heaven at trending na kasabay ng mga komento mula sa netizens na talagang panonoorin nila ang “Nanahimik Ang Gabi” dahil nabitin sila sa mga napanood na eksena.

Mensahe naman ng producer ng pelikula na si Direk Lino Cayetano, “Let’s bring back the Christmas Filipino family tradition of watching the MMFF in cinemas.

“I hope we can all laugh, cry, get scared and feel inspired through the different movies,” dagdag pa ng isa sa mga executive ng Rein Entertainment, na itinanghal namang Rising Producer of the Year sa 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?

Rabiya Mateo natakot kay Ian Veneracion: Hindi talaga ako makatingin sa mga mata niya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie gusto pa ring magkadyowa sa tamang panahon: Ang sarap ma-in love, eh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending