Sharon Cuneta super happy dahil kumpletong muli ang kanilang pamilya: First in a loooong time!!!
WALANG pagsidlan ng tuwa ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos makumpleto at muli silang magkasama-samang pamilya.
Sa selebrasyon ng ika-22nd birthday ng kanyang anak na si Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan o mas kilala bilang si Frankie o Kakie ay makikitang kumpleto ang magkakapatid dahil kasama nila ang kanilang panganay na si KC Concepcion.
“Happy 22nd Birthday to my Baba Kaki! Happy to be a complete family tonight and also to be reunited(&-ing) with Kakie’s friends!!! I love you so very much my Baba! [heart emojis] So proud of you!!!” saad ni Sharon.
Simple lang ang naging birthday celebration ng kanilang pamilya ngunit talagang makikitang masaya ang mga ito dahil muli na naman silang nakapag-bonding.
View this post on Instagram
Nag-post rin si KC sa kanyang Instagram account bilang pagbati sa nakababatang kapatid.
“When I’m not craving to travel and discover amazing new places, I crave time with family. Currently celebrating my sis’s birthday with mom @reallysharoncuneta and the fam tonight… love will always find a way. Happy 22nd to you Kakie!!!” sey ng panganay ni Sharon.
Maski nga si dating Sen. Kiko Pangilinan ay nag-post rin ng kanilang family picture na kuha sa birthday celebration ni Kakie.
“Happiest birthday kapag kumpleto ang pamilya. Happy birthday to my darling Frankie baby girl!” saad niya.
Dagdag pa ng hubby ni Sharon, “I love you and I am so proud of your spunk, your grit and courage.”
Matagal na panahon rin buhat nang huling nagkasama-sama ang mga ito dahil nasa Amerika si KC.
Samantala, kasabay ng selebrasyon ng kanyang kaarawan ay nag-release ng bagong single ang anak ni Sharon na si Kakie na pinamagatang “essential oils”.
Ang kanta ay tungkol sa paghiling na maging masaya ang kanyang lost love at sana’y huwag siya nitong kalimutan at huwag nitong i-regret ang kanilang naging relasyon.
Related Chika:
Frankie Pangilinan dapat daw mag-sorry sa Marcos family; hinamong lumayas sa Pinas
Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…
Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.