Ralph Gurango umariba sa ‘Google News’ scholarship program, nag-iisang Pinoy na napili
LUBOS na ikinagagalak at ipinagmamalaki ng BANDERA ang bagong milestone ng isa sa mga respetadong social media manager ng INQUIRER.NET na si Ralph Gurango.
Isa kasi siya sa mga napili na mabigyan ngayong taon ng “Elevated Scholarship” mula sa International News Media Association (INMA) at Google News Initiative (GNI).
Para sa kaalaman ng marami, ang INMA ay isang “world’s leading provider of global best practices for news media companies.”
Habang ang “Elevate Scholarship” ay isang 3 taong programa na naglalayong palakasin ang news business.
Target nito na mabigyan ng bagong mukha at boses ang media industry.
Hindi bababa sa 432 na mga aplikante ang nag-apply sa nasabing scholarship program, pero 50 lang ang mga maswerteng napili sa 31 na bansa upang sumailalim sa training at professional development ng INMA at GNI.
Si Gurango ang nag-iisang scholar mula sa Pilipinas.
Lubos namang nagpapasalamat si Gurango na maging parte ng nasabing programa.
Sey niya, “It truly is an honor to be part of INMA’s Elevate Scholarship program.”
“I’m excited to learn how diversity and inclusion can be integrated in local newsrooms, especially in an ever-evolving digital landscape,” aniya.
Ilan lamang sa mga perks ng mga scholar ay ang libreng access sa tatlong master class ng INMA ngayong 2023, pati na rin ang one year INMA membership.
Ibinahagi rin ng aming INQUIRER.net chief operating officer na si Imelda Alcantara kung gaano kasaya at ka-proud ang kumpanya para kay Gurango.
Pahayag niya, “It makes us proud that the INQUIRER.net’s Head of Social Media got chosen as one of the scholars for this year’s program.
“We eagerly look forward to the learnings and insights that Ralph will share with our team which I believe is very apt as newsrooms today seek ways to connect and engage with different audience segments.”
Muli, congratulations and good luck sa aming colleague na si Ralph Gurango!
Related chika:
Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!
Bianca King magiging mommy na rin: I mentally gave up but surprise! A natural miracle happened!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.