Herlene Budol sumabak na sa taping ng 'Magandang Dilag': 'Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko!' | Bandera

Herlene Budol sumabak na sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko!’

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

Herlene Budol sumabak na sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko!’

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 07:14 AM

Herlene Budol sumabak na sa taping ng 'Magandang Dilag': 'Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko!'

Rob Gomez, Herlene Budol at Benjamin Alves

MOVE-ON move-one din pag may time ang peg ng Kapuso comedienne at beauty queen na si Herlene Budol matapos ang nakakalokang experience niya sa napurnadang Miss Planet International 2022.

Mukhang unti-unti nang nakaka-recover ang dalaga mula sa nakaka-traumang experience niya sa sinalihang international beauty pageant ngayong balik-trabaho na siya bilang aktres.

Nagsimula nang mag-taping si Herlene o Hipon Girl para sa kanyang launching series sa GMA 7, ang romcom na “Magandang Dilag” kung saan makakatambal niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Sa isang episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, sinabi ni Herlene na magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman niya ngayong tuloy na tuloy na ang “Magandang Dilag.”

Sabi ni Herlene, grabe raw ang kaba na napi-feel niya noong mga unang araw ng kanilang taping lalo na sa mga eksenang kailang maglapit ang mga mukha nila nina Benjamin at Rob.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko. Nahihiya talaga ako. Kahit nag-toothbrush ako, naka-ilang bubble gum ako, naka-ilang spray ako sa bunganga ko noon, parang, hala, nakakahiya!” ang pag-amin ng komedyana.

Sey pa ni Herlene, itinuturing din niya isa sa mga biggest blessing ang “Magandang Dilag” na natanggap niya ngayong 2022 kaya hindi siya mapapagod na magpasalamat sa Diyos at sa GMA 7.

“Sobrang masaya ako na pinagkatiwalaan po nila ako para makasama po ‘yung mga ganu’ng artista na talagang kahit sino sa kanila magpapasampal ako doon eh!” ang chika ni Hipon.

Natanong din si Herlene kung kumusta katrabaho ang mga kapwa niya Kapuso stars lalo na sina Benjamin at Rob.

“Sobrang galing nila. Parang sa backstage pa lang, parang in character na sila. Parang dapat pala ganu’n din ako,” chika ng Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up.

Makakasama rin sa launching project ng komedyana sina Sandy Andolong, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon at marami pang iba.

Matatandaan na napabalitang bago nagtungo si Herlene sa Uganda kung saan gaganapin sana ang Miss Planet International 2022, ay nakapag-taping na si Herlene para sa “Magandang Dilag”.

Ngunit nasayang lang daw ang mga nakunang eksena dahil hindi pumasa sa mga bossing ng GMA ang prosthetics na ginamit sa mukha ni Herlene.

Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

Angel umaming nabawasan ang pinag-aaral na iskolar: Nahihiya ako sa kanila kasi…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol magdadala ng interpreter sa Miss Planet International; hindi na sasali uli sa Bb. Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending