Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako | Bandera

Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

Ervin Santiago |July 26,2021
facebook
share this

Herlene Budol naubos ang ipon: Umiiyak ako araw-araw, ayokong magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako

Ervin Santiago - July 26, 2021 - 09:14 AM

“AYOKO nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako, back to zero kami,” iyan ang pag-amin ng dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin” na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl.”

Naubos daw kasi talaga ang naipon niya mula sa kanyang pagtatrabaho sa “Wowowin” noong magkaroon ng pandemya at mawalan ng mga raket sa showbiz.

Napaiyak ang TV host-comedienne habang binabalikan ang matinding pagsubok na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya noong kasagsagan ng lockdown sa panayam ni Toni Gonzaga.

Simulang kuwento ng dalaga, naubos ang P100,000 na savings niya mula sa pagiging co-host ni Willie sa “Wowowin”, “Buti nga nag-ipon ako, kung hindi wala, patay na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na ‘to.

“Hindi alam ng lolo’t lola ko na nag-ipon ako. Tapos, gate pa lang ang napapagawa ko sa bahay namin, hindi man lang pumasok ng bahay. Siyempre, buong angkan ko, sa akin umaasa. Talagang walang-wala.

“Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami.

“Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga kasi sa akin lahat umaasa talaga ang pamilya ko. Dati pagkain lang, ngayon pati kuryente sa akin,” ang tuluy-tuloy na pahayag ni Hipon Girl.

Pagpapatuloy pa ng komedyana “Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad.

“Ang hirap, ang hirap din umasa. Naging kampante din kasi po ako, ‘Uy, baka sa susunod meron na ako.’ May kumuha sa akin iba kapag tinanggal ako rito, pero zero totally,” aniya pa.

Nitong mga nakaraang buwan daw ay may kinikita siya kahit paano, “Kapag may raket po, nagpapa-post, ‘yung ganu’n, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi kapag wala po ‘yun, wala na po talaga akong pagkukunan.” 

Nag-online selling din daw siya at may munting tindahan pero matumal din daw ang kanyang kinikita. Kaya naman nasabi niya na parang mas okay pa raw noong simple lang ang buhay niya dahil hindi siya nawawalan ng raket.

“Nagpapayong ako ng mga naggo-golf, umbrella girl, naging tindera rin po ako sa palengke, tapos nag-munisipyo din po ako. Kahit maliliit lang na sahod kapag pinagsama-sama malaki na ring pera.

“Mas malaki nga po pera ko dati, Promise! Dati hindi ako nawawalan ng pera sa wallet e, kahit mga P500 lang meron ako sa wallet. Ngayon nasi-zero talaga ako,” chika pa ni Herlene.

Samantala, napag-usapan din nina Toni at Hipon Girl ang ginawang shopping prank ni Alex Gonzaga sa komedyana. Umiyak talaga si Herlene nang pabayaran sa kanya ni Alex ang biniling Gucci bag at sneakers na nagkakahalaga ng  P100,000.

“Naiyak po talaga ako dahil sa Gucci talaga. Mas mahal pa po sa bahay namin. Kasi yung bahay namin, mura lang, rights lang, tapos wala pang titulo.

“Lolo ko po naghuhulog dati, parang P800 po yata kada buwan, pero matagal na panahon na. Parang buong buhay na ng lolo ko naghuhulog na po yun,” kuwento ni Herlene.

Nagbiro naman ang dalaga na gusto na niyang magpaampon kay Pinty Gonzaga, ang nanay nina Toni at Alex, “Ampunin n’yo na kaya ako? Mommy Pinty, baka naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, nangako si Toni na ang lahat ng kikitain sa nasabing vlog ay ibibigay niya kay Herlene.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending