Mag-amang AJ, Jeric Raval tampok sa ‘Pinoy Ghost Tales’, aktres hindi sumipot sa mediacon dahil dumalo sa ibang storycon | Bandera

Mag-amang AJ, Jeric Raval tampok sa ‘Pinoy Ghost Tales’, aktres hindi sumipot sa mediacon dahil dumalo sa ibang storycon

Reggee Bonoan |December 10,2022
facebook
share this

Mag-amang AJ, Jeric Raval tampok sa ‘Pinoy Ghost Tales’, aktres hindi sumipot sa mediacon dahil dumalo sa ibang storycon

Reggee Bonoan - December 10, 2022 - 05:34 PM

Mag-amang AJ, Jeric Raval tampok sa ‘Pinoy Ghost Tales’, aktres hindi sumipot sa mediacon dahil dumalo sa ibang storycon

Hindi nagpakita sa ilang miyembro ng media at vloggers ang sexy star na si AJ Raval nang ihatid niya ang amang si Jeric Raval sa screening/mediacon ng pelikula nilang “Pinoy Ghost Tales Trilogy: Horror Film” nitong Biyernes ng hapon.

Ang katwiran ni Jeric ay hinahabol ng anak ang storycon nito sa Viva Films para sa gagawing pelikula para sa taong 2023.

Say ng action star, “Hindi n’yo ba siya nakita hinatid ako naka-sumbrero at naka-mask ng itim.  Nagmamadali kasi hinahabol ‘yung storycon.  Saka baka isipin na bago lang ‘to (Pinoy Ghost Tales), e, katakut-takot na paliwanag pa, matagal na itong project na ito at naipagpaalam naman na. Pero ngayon hindi na siya puwedeng gumawa sa iba.”

Magkasama ang mag-amang Jeric at AJ sa episode na “The Actress” at gagampanan ng huli ang karakter na artista at direktor naman ang una. Kasama rin sina Rob Sy at DJ Durano sa pelikula.

“Actually, unang na-shoot itong pelikulang ito, ‘yung ‘The Actress,’ na-shoot ito nu’ng bago pa mag-pandemic, so, inabutan kami ng pandemic, ‘yung ‘The Actress,’ so hindi pa siya nagpapa-sexy ro’n.  Pero ‘yung dalawa (Imaginary Friend at The Manager) episode nagawa na two months ago,” sabi pa ng aktor.

Bago naging exclusive contract si AJ sa Viva Artist Agency ay na-shoot na niya ang “Pinoy Ghost Tales” at ipinaalam din ito ng mag-ama sa Viva.

Walang sexy scenes si AJ sa “The Actress” dahil drama ito at sabi ng tatay nito ay marunong siyang mag-drama.

“Okay naman nakaka-iyak at nakaka-acting naman siya (AJ), so, nu’ng first time kong makasama sa project namin okay naman sabi ko puwede ka sa drama. Kaya lang hindi siya nabibigyan ng drama sa Viva, eh. Alam naman natin ang trend ngayon,” saad ng action star.

For the nth time ay muling inulit ni Jeric na hindi niya suportado si AJ sa mga sexy movies na ginagawa nito.

Sey ng aktor, “Kapag tinatanong ako tungkol sa mga projects niya sabi ko hindi ko sinusuportahan ang anak ko sa mga movies na ginagawa niya.  In fact, umattend pa ako ng press preview ng pelikula niya dito sa Gateway, pag may mga eksenang hindi ko kaya, lumalabas ako.  Lagi ko sinasabi (kay AJ) na hindi ko siya sinusuportahan sa mga ganu’n project. Kaya lang nandoon na siya sa edad na ‘yun, e, so, desisyon niya ‘yun hanggang doon lang ako.

“Siyempre bawa’t magulang naman kapag ang anak ay artista gusto niya sa anak niya ay pumaimbulog pa sa ibang larangan ng pag-acting hindi lang sa pagpapa-sexy.”

“Actually ang gusto nga ni AJ mga action scenes.  ‘Yung huli niyang ginawa action, ‘yung Sitio Diablo.  Ngayon meron din silang ginagawa ngayon sa Viva rin ‘yun,”paliwanag ng ama ng sexy star,” aniya.

May pangarap si Jeric na sana mabigyan sila ng anak na si AJ isama pa ang anak na lalaki na si JK ng action movie na mala-“Taken” ni Liam Neeson dahil ito talaga ang gusto nilang tatlo, action film.

At dahil nasa showbiz na ang dalawang kapatid ni AJ ay ano ang maipapayo ni Jeric sa kanila lalo na ang aktres na hindi naubusan ng isyu.

“Payo ko sa kanila ang sekreto dito sa movie industry ay marunong ka lang makitungo sa tao, marunong kang makisama, lahat dito kaibigan.  Ang iniipon dito kaibigan hindi kaaway,” ani Jeric.

Patuloy pa niya, “Kay AJ sinasabi ko lagi sa kanya lahat dito kaibigan.  Kung may nangba-bash man sa ‘yo magpasalamat ka, kasi bina-bash ka ibig sabihin sikat ka!

“Pag ina-ambush interview ‘yung iba ayaw.  Kapag may ambush interview magpasalamat ka kasi may news value ka,” paliwanag nito.

Kamakailan lang ay may bagong isyung pumutok tungkol kay AJ Raval pero para kay Jeric ay luma na ito.

“Ah, ‘yung mga naglabasang isyu kay AJ na dating (buntis), actually matagal na ‘yun.  Nagtataka ako bakit hindi pa nanganganak.  Ang tagal na niyang buntis ilang buwan na, overdue na!

“Sabi ko, ‘okay lang ‘yun anak at least napag-uusapan ka, masanay ka pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa.  Okay lang ‘yan kasama ‘yan sa trabaho natin.’ Hindi rin naman nakaka-apekto sa akin sanay na ako sa ganyan,” paliwanag ni Jeric.

Anyway, ang “Pinoy Ghost Tales Trilogy: Horror Film” ay sinulat ni Lawrence Nicodemus at idinirek nina Afi Africa, Jojo Nadela, at John Isaac Natividad produced ng LGM Grand Entertainment at LMK Productions.

Related chika:

Lolit Solis nag-react sa anti-ghosting bill: No. 1 example nito si Bea Alonzo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken Chan maraming beses nang nabiktima ng ghosting: Parang nagkaroon ako ng phobia na iwan ulit nang dahil sa…

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending