Ken Chan maraming beses nang nabiktima ng ghosting: Parang nagkaroon ako ng phobia na iwan ulit nang dahil sa... | Bandera

Ken Chan maraming beses nang nabiktima ng ghosting: Parang nagkaroon ako ng phobia na iwan ulit nang dahil sa…

Ervin Santiago |November 07,2022
facebook
share this

Ken Chan maraming beses nang nabiktima ng ghosting: Parang nagkaroon ako ng phobia na iwan ulit nang dahil sa…

Ervin Santiago - November 07, 2022 - 10:37 AM

Ken Chan

MARAMING beses na palang nabiktima ng “ghosting” ang Kapuso actor-TV host at negosyanteng si Ken Chan.

Diretsahang inamin ng binata na siya raw lagi ang iniiwan ng mga babaeng nakakarelasyon niya kaya naman parang nagka-trauma na siya pagdating sa usaping lovelife.

Alam naman daw ni Ken ang rason kung bakit palagi siyang “gino-ghosting” dahil sinasabi rin sa kanya ng mga taong bumibitaw sa kanilang pagsasama.

Sa guesting ni Ken sa showbiz podcast ng GMA News and Public Affairs na “Updated with Nelson Canlas”, natanong nga siya kung nakaranas na siya ng heartbreak at kung na-ghosting na rin  ba siya.

“Maraming beses na, maraming beses na. Ako ‘yung iniwan. Maraming beses na ‘ko. Most of the time lagi nilang sinasabi wala raw kasi akong time sa kanila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Ayon sa aktor, ito rin daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya at medyo natatakot nang nanligaw at magkaroon uli ng dyowa.

“Totoo naman. Kaya rin ako natatakot kung bakit wala akong karelasyon ngayon. It’s because takot ako e, natakot na ako e. Para akong nagkaroon ng phobia na iwan ulit ng dahil sa time.

“Alam ko kung gaano ako ka-busy na tao dahil sa business na ginagawa ko, dahil sa career ko sa showbiz, so ‘yon. Kaya ilang beses po ako na-ghost nang dahil sa oras,” paliwanag ni Ken Chan.

Sumunod na tanong, naranasan na ba niya ang mang-“ghost”, “Ayoko naman kasing magpakalinis pero hindi ko masasabing ghinosting kasi nagsabi ako e, ahead of time at kinausap ko in person.

“So kasi para sa akin ang ghosting ‘yung bigla na lang nawala na walang pasintabi,” aniya sabay sabing hindi raw artista ang tinutukoy niya sa kanyang pahayag.

“Hindi ko naman sinasarado yong puso ko sa mga artista pero as much as possible ‘yung makakapartner ko, makakasama ko talaga, wala sa showbiz,” sabi pa ni Ken.

Ito naman ang payo ng aktor para sa mga tulad niyang hindi pa ready na makipagrelasyon, “Kapag hindi ka handa at na-realize mo na hindi pala siya, ang payo ko lang ‘wag mong iiwan basta-basta.

“O, ‘wag lang yung bigla kang mawawala na parang bula. Kausapin mo, mag-explain ka at mag-sorry ka and I think that the best way to do it,” paalala pa ni Ken Chan.

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

‘Grabe si Ken Chan, ikaw na talaga! Nangangamoy best actor na naman!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis nag-react sa anti-ghosting bill: No. 1 example nito si Bea Alonzo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending