LPA posibleng pumasok na sa bansa, nagpapaulan sa Visayas at Mindanao | Bandera

LPA posibleng pumasok na sa bansa, nagpapaulan sa Visayas at Mindanao

Pauline del Rosario - December 09, 2022 - 05:22 PM

LPA posibleng pumasok na sa bansa, nagpapaulan sa Visayas at Mindanao

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

MATAPOS ang halos isang buwan na may magandang panahon ay kasalukuyang binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na sa labas ng Visayas.

Sa press briefing na naganap ngayong December 9 ay nagbabala si Weather Forecaster Benison Estareja na inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang oras ang masamang panahon.

Sey ni Estareja, “Base po sa Tropical Cyclone Potential Threat ng PAGASA o ito ‘yung nagde-determine kung magiging bagyo ba o hindi ‘yung isang weather disturbance. 

“This low pressure area ay maaaring mag-move towards Eastern Visayas and Bicol region area.”

Aniya, “So inaasahan po ngayong araw papasok itong low pressure area ng ating area of responsibility then bukas lalapit ito sa mga rehiyon ng Caraga and Eastern Visayas.”

Sa ngayon, nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang tinatawag na “trough” o ‘yung buntot ng LPA.

Ayon sa weather forecaster, “Hindi direktang nakakaapekto itong low pressure area, subalit base sa ating satellite animation, ‘yung trough o lawak na extension nitong LPA ay nagpapaulan na po dito sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao and even parts of the Bicol region.”

Abiso pa ng PAGASA na may tsansa ang LPA na maging isang ganap na bagyo at ito ay tatawagin nilang “Rosal,” ang unang bagyo ngayong Disyembre.

Sabi ng PAGASA sa press briefing, “Moderate chance o katamtaman ang tsansa nito na ito ay magiging isang bagyo.”

“So ang ibig sabihin po ay sa mga susunod na araw, may tsansa na maging bagyo ito or tropical cyclone kung saka-sakali po, letter ‘R’ na tayo o papangalanan natin itong Rosal, pang labing-walo for 2022 at una for the month of December,” patuloy pa ni Estareja.

Bagamat “trough” pa lang ang nakakaapekto sa ilang lugar, patuloy namang nagpapaulan ang “Shear Line” sa malaking bahagi ng Luzon.

“Sa ngayon po ay patuloy ang mga pag-ulan dito sa norte dahil doon sa Shear Line o ‘yung linya kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin at inaasahan sa mga susunod na araw itong shear line ay bababa at magpapaulan sa malaking bahagi po ng Eastern Luzon,” Ani Estareja.

Read more:

Diaper pak na pak na ‘DIY’ pantapal sa butas na bubong; 2 bagyo na ang dumaan epektib pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#NamamaskoPo: Madam Inutz may bonggang regalo sa mga nasalanta ng bagyo sa Cavite at Batangas

4 na rehiyon nasa ilalim na ng ‘State of Calamity’ dahil sa bagyong Paeng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending