Jake Cuenca sa pinagbibidahang MMF film na 'My Father, Myself': I'm proud of this film...I feel I have conquered something | Bandera

Jake Cuenca sa pinagbibidahang MMF film na ‘My Father, Myself’: I’m proud of this film…I feel I have conquered something

Reggee Bonoan - December 09, 2022 - 03:50 PM

Jake Cuenca sa pinagbibidahang MMF film na 'My Father, Myself': I'm proud of this film...I feel I have conquered something

Sa matapang na pagganap ni Jake Cuenca bilang ama na may gusto sa anak ng dating boyfriend ay hinuhulaang makakamit nito ang Best Actor award ngayong 2022 Metro Manila Film Festival awards night.

Ang pelikulang “My Father, Myself “na idinirek ni Joel Lamangan at produced ng 3:16 Media Network at Mentorque Production ay nakakuha ng R-18 sa MTRCB dahil sa maseselan nitong eksena.

Aminado si Jake sa ginanap na solo presscon niya na pressured siya sa mga nagsasabing mananalo siya.

“To be honest with you, I’m not expecting kasi ilang beses na akong nalagay sa posisyon na akala ko, mananalo ako, hindi ako nanalo. Tapos, isang taon akong na-depressed,” mabilis nitong sagot.

Dagdag pa niya, “this is an honest version of myself. You just survive, it’s the end of the world. Bakit pa ako magkukunwari. Why would I hold my truth anymore? Sabi ko, parating ganito ang nangyayari sa akin, ‘yung noon, that’s why I don’t wanna expect.

“Kaya nga umiiyak ako nu’ng (first) presscon kasi for me, to be honest, if you hear it from Direk Joel, para purihin ni Direk Joel, para purihin ninyo, that’s already so much for me.”

Patuloy niya, “It’s been three years na hindi ako satisfied, hindi ako masaya. Kasi, that’s the truth, ‘di ba? Parang tingin ko, ‘yung pandemya, parang there’s so many things that were taken away from me.

“Right now, I just wanna take it all back and as an artist, I’m proud of this film. I’m proud of the challenges that I’ve conquered in this film. I’m proud to be directed by Direk Joel again and I feel I have conquered something in this film.”

Aniya, “Kaya nu’ng sa (My Father, Myself) presscon, pinupuri ako ni Direk Joel, pinupuri ako ng press, para na akong nanalo, to be honest with you. And I’m so grateful with that. Kung hindi man ako manalo sa awards night, ‘yun ang panghahawakan ko — ‘yung pagpupuri n’yo at ‘yung pagpupuri ni Direk Joel.”

At dahil marami nang dinaanan si Jake kaya hindi na niya kailangang ma-depress.

Paliwanag ng aktor, “Hindi na. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin I’m not so frightened anymore. Medyo tumapang tayo ru’n because of this pandemic.

“I think what I’ve learned from this film is that it’s hard to suppress your true self. I think what way, shape or form, it will come out. What way, shape, form, you have to allow yourself to be who you really are, ‘di ba?”

“For one’s life, you have to make yourself free. If you are not true to yourself, sinu-suppress natin ang sarili natin and you know, we can’t live happily. There’s always something lacking, parang ganoon,” aniya.

Samantala, inaming maraming kakilala si Jake sa industriya na ayaw pa niya mag-out dahil sa maraming dahilan pero ngayong 2022.

“Mas madali na to come out. Mas madali, more acceptable of who you are today.  Kaya nga nakakatuwa rin, eh, sa likod ng mga nangyayari, more liberal, more free world. So, free country,” sey nito.

May isa pang hindi nagagawa si Jake sa buong career niya sa showbiz, ang frontal nudity pero gagawin niya iyon kapag pang international film festival ito.

Sey ng aktor, “It really depends. Wala naman akong limitations. Pero certainly, pipiliin ko ‘yung pelikula na gagawin ko ‘yun. Like, I’m not gonna do that for some film. Kumbaga, if it is a Hollywood film, yes, ‘di ba? Let’s do it. But if it’s a film that will be going to Cannes, to Venice or the Oscars, let’s do it, ‘di ba? Why not? But if it is something na ‘baka-baka lang, huwag na, ‘di ba?”

Mapapanood ang My Father,Myself sa December 25 at kasama rin sina Tiffany Grey at Dimples Romana.

Related chika:

Jake Cuenca nasarapan nga ba sa halikan nila ni Sean de Guzman sa MMFF 2022 entry na ‘My Father, Myself’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sean de Guzman nahe-hurt sa pamba-bash sa ‘My Father, Myself’: Hindi pa nila napapanood dyina-judge na nila

Joel Lamangan sa R-18 rating ng MMFF entry na ‘My Father, Myself’: Ayaw nila ng kabaklaang movie na serious ang treatment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending