Hindi ako natatakot malaos, matagal ko nang natanggap yan! Bandera

Hindi ako natatakot malaos, matagal ko nang natanggap yan!

Ervin Santiago |December 05,2022
share this

Hindi ako natatakot malaos, matagal ko nang natanggap yan!

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 03:30 PM

TANGGAP na ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano ang katotohanan na darating at darating ang panahon na “malalaos” din siya.

Isa raw ito sa mga una niyang natutunan sa mundo ng showbiz na ipinayo sa kanya ng mga veteran stars na nakasama at nakatrabaho niya noong nagsisimula pa lamang siya.

Sa ilang dekada niya sa entertainment industry, feeling ni Maria ay napakarami na niyang nagawa bilang aktres o alagad ng sining at hindi na isyu sa kanya ang salitang “La Ocean Deep” o ang “pagkalaos”.

Sa pakikipagchikahan ng Diamond Star sa bagong YouTube vlog ng kanyang pamangking aktres na si Meryll Soriano, ipinagdiinan ni Maria na alam niyang hindi pang-forever ang kanyang showbiz career.

“Hindi (ako takot malaos). Kasi from the start, bata pa ako, alam ko na iyan. Sinabi na nila sa akin,” simulang pahayag ng movie icon.

“Sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Kaya dapat laging handa. Dapat girl scout ka, laging handa.

“Hindi pwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na marami ang maaaring mangyari,” paliwanag pa ni Maria.

“Maaaring mangyari na sumikat ka, maraming, maraming salamat. Paano kung hindi? Maraming, maraming salamat pa rin dapat,” dagdag ng award-winning veteran actress.

Knows din daw niya na may mga bagong artistang darating sa paglipas ng panahon na siya namang susubaybayan at susuportahan ng publiko.

“Kung sumikat ka, tapos na ‘yung time mo, ibigay mo naman sa iba. Ganun talaga ‘yun eh. Natapos na ‘yung term mo, share it naman to others,” chika pa ng Kapamilya star.

Samantala, muling mapapanood si Maricel upcoming ABS-CBN drama series na “Linlang” kasama sina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.

Related chika:

Maricel Soriano sumabak sa pole dancing, bumilib kay Ciara Sotto: Oh my God! Ang galing, parang magic!

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Yassi nanginig nang makita si Maricel Soriano: Super kilig!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending