75-year-old na lola bidang-bida sa marathon, kayang tumakbo ng mahigit 8 oras | Bandera

75-year-old na lola bidang-bida sa marathon, kayang tumakbo ng mahigit 8 oras

Pauline del Rosario - December 04, 2022 - 06:36 PM

75-year-old na lola bidang-bida sa marathon, kayang tumakbo ng mahigit 8 oras

PHOTO: Courtesy Rosalinda Pendon Ogsimer

IKA nga nila, “age is just a number.”

‘Yan ang pinatunayan ng 75-year-old na si Lola Rosalinda Pendon Ogsimer na kinabibiliban pagdating sa takbuhan.

Sa kabila kasi ng kanyang edad, kaliwa’t kanang marathons pa rin ang kayang-kaya niyang tapusin!

Na-interview ng BANDERA si Lola Rosalinda at naikwento nga niya sa amin na ang kauna-unahan niyang marathon ay noon pang 2015 nang sumali siya sa “The Bull Runner Dream” na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna.

Dahil daw diyan ay tila naadik na siya sa pagtakbo at sunod-sunod na ang kanyang mga nasasalihang takbuhan.

Ilan lamang sa mga nasalihan na niya ay ang “Natgeo” sa Manila, “Pampanga Marathon” sa Pampanga, “Skyway Marathon” sa Filinvest, at marami pang iba.

Nabanggit pa ni Lola Rosa na ang pinakamahaba niyang marathon ay ang 55-kilometer run na magsisimula sa Tagaytay at magtatapos sa bayan ng Balayan sa Batangas.

Sabi pa ni lola sa amin, mahigit walong oras niya itong tinakbo.

Alam niyo ba ang sikreto ni lola sa pagiging physically fit?

Nako, sipag at tiyaga sa pagte-training ang naging puhunan niya kaya malakas na malakas pa siya sa takbuhan.

Sinabi ni Lola Rosalinda na tatlong beses sa isang linggo ang kanyang training.

Sey ni lola runner, “Workout every Tuesday 5km or 10km Thursday. 10km Saturday or Sunday 21km. Walang palya and I do it religiously.”

Ayon pa sa kanya, ginagawa niya raw ito upang magsilbing inspirasyon sa mga senior citizen na katulad niya,

Sabi ni Lola Rosa, “Masarap sa ang pakiramdam pag nakarating ka sa Finish Line at within the cut-off time, strong finish at injury free.”

“My purpose of running is to inspire and motivate people, especially mga katulad ko ang age,” aniya.

75-year-old lola running in a marathon

Naikuwento pa ni lola runner sa BANDERA na hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan bago maging runner.

“Actually pinilit lang ako noong una ng eldest son ko para may exercise ako. Short distance

lng muna then unti-unti nag-increase hanggang nag half marathon muna, then marathon 42 km pagkatapos Ultramarathon na 50km,” kwento niya.

Patuloy pa niya, “FYI hindi Ito bigla na sasama ka agad sa marathon. Maraming workout/training kang dapat gawin. Ang mga anak and most especially my husband very supportive and he is my No. 1 fan.”

At bilang inspirasyon si Lola Rosalinda sa marami, ang payo niya ay huwag sumuko sa inyong mga pangarap.

Katulad daw niya na hindi naging hadlang ang kanyang edad para ma-achieve ang kanyang pangarap sa buhay.

Sey ni Lola Rosalinda, “Age is just a number it’s never too late to dream. Give a try because you  will not know your capacity without trying.”

Dagdag pa niya, “Ako nga 65 y.o. na nang mayaya ako na sumali sa takbuhan. Wala ako exercise. Bago ako naging runner may mga sakit sakit rin akong naranasan. Bumabaluktot na tuhod sakit sa likod pero lahat ito nawala.”

Patuloy pa niyia, “ I thank GOD for His gift na up to this time I can still run and most of all I don’t have maintenance. No special diet. I eat what is good for my body. Need mo rin ang determination, perseverance, focus and prayers.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa mga marathon ay active rin si Lola Rosalinda sa kanyang YouTube account na “Rosalinda Ogsimer” na kung saan ay ibinabandera niya ang kanyang marathon journey, pati na rin ang ilan sa kanyang mga warm-up exercises bago tumakbo.

Related chika:

‘Super Lola’ sa Pampanga 102 years old na, meron nang mahigit 100 apo; wala ring sakit at maintenance medicine

67-anyos na lola nakapagtapos ng junior high: ‘Hindi nakakahiyang magsimula uli kahit ikaw ay senior citizen na’

32 centenarian sa Davao City nakatanggap ng P100k; 114 years old na lola malakas at kumakanta pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending