32 centenarian sa Davao City nakatanggap ng P100k; 114 years old na lola malakas at kumakanta pa | Bandera

32 centenarian sa Davao City nakatanggap ng P100k; 114 years old na lola malakas at kumakanta pa

Ervin Santiago - October 06, 2022 - 02:56 PM
32 centenarian sa Davao City nakatanggap ng P100k; 114 years old na lola malakas at kumakanta pa

UMABOT sa 32 centenarian ang binigyang-parangal ng local government ng Davao City kamakailan na tumanggap ng P100,000 cash incentive.

Kinilala ang mga kababayan nating umabot na sa 100 years old sa isinagawang 1st Dabawenyo Centenarian Awardee ng Davao City last October 3 sa Grand Menseng Hotel.

Ang mga naging eligible para sa award ay umabot na sa kanilang ika-100 taon matapos ang December 2, 2021.

Ito rin ang araw nang ipinasa ng Davao City Council ang Executive Order No. 20 Series of 2022, o ang “An Order Honoring Centenarians in the City of Davao.”

Iniabot ng mga opisyal ng City Government of Davao, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang plake at P100,000 sa 32 centenarian.

Personal na tinanggap ng ilan sa mga awardees ang kanilang cash reward, habang ang iba naman ay mga representative lang ang dumalo.

Ang pinakamatansa sa mga pinarangalan ay si Lola Madelene na 114 years old na ngayon. Pero in fairness, malakas pa rin siya at kumakanta pa.

Sa isang tweet ng ABS-CBN last September 30, nabanggit dito na dating komadrona si Lola Madelena, at hanggang ngayon ay  nakakahilot pa rin.

Bukod sa cash incentives, binigyan pa ng hotel room accommodations ang mga centenarians na nagmula pa sa malalayong lugar.

Samantala, pwede pang magpa-validate ang ibang centenarian kahit natapos na ang paggawad ng parangal at cash rewards.

Magpunta lamang daw sa CSWDO-District Office at ipakita ang birth certificate o passport bilang proof of identity.

Other Stories:
Isa sa kauna-unahang licensed female architect ng Pinas 100 years old na, nakatanggap ng P100k centenarian cash incentive

Aljur pinasok ang online selling; Vice may banat sa mga ‘bastos’

Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Belle Mariano: Ako po yung tipo ng bata na laging bida-bida sa family reunion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending