Tom Rodriguez naisip noon na tapusin ang buhay: I thought that was the only way out | Bandera

Tom Rodriguez naisip noon na tapusin ang buhay: I thought that was the only way out

Reggee Bonoan - December 02, 2022 - 11:44 AM

Tom Rodriguez naisip noon na tapusin ang buhay: I thought that was the only way out

SA unang pagkakataon ay nagsalita si Tom Rodriguez kay Ogie Diaz through his YouTube channel pagkalipas nang ilang buwang pananahimik nito sa Amerika.

Dumating si Tom sa Amerika noong Marso 13, 2022 dahil death anniversary ng daddy niya at kaarawan na rin sa parehong buwan.

Ayon sa aktor ay dalawang linggo lang siya dapat mananatili sa US pero dahil sa mga nangyari sa kanya.

“Hindi naman sikreto sa lahat that turbulence has been happening in my life,” sambit ni Tom.

Sa Las Vegas, Nevada USA nagkita sina Tom at Ogie at tinanong kaagad ng content creator kung may gustong ikorek ang aktor sa mga naglabasang isyu sa kanya dito sa Pilipinas.

“Marami pero I don’t wanna correct ha, ha, ha. I feel there’s no need, kasi that’s what I realized nu’ng nawala lahat. Hindi ko alam na a job to me is just a job.

“I enjoyed being with people and having that energy exchange pero ‘yung fame I never thought it was something at least for me until ‘yung nangyari lahat,” pagbabahagi ni Tom.

“I didn’t know that I held that card close to my heart pala. Nu’ng pilit kinukuha na ‘yung..’o teka lang.’ Then I realized nu’ng nawala ‘yun I didn’t need it.

“So, in a way, I realized na kung anuman ang gustong isipin ng tao, they will already think about it whether it’s for you or against you.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

 

“So, me trying to spend energy na i-correct ‘yun, it will never stop kasi hanggang saan ka titigil?

“Kung uumpisahan ko dito, sige ikorek ko sa ‘yo, ikorek ko sa kanya, until when? So, buong buhay ko ‘yun lang gagawin ko?

“Live my life to correct what other people perceive of me or do I just simply live my life as honestly as I can somehow I really try na just righteous path na matuwid wala kang ina-agrabyadong ibang tao,” mahabang paliwanag ni Tom.

Inamin din ng aktor na sa kainitan ng isyu niya noon ay ang pamilya niya ang kinapitan niya, “mawala na ang lahat pero nandoon pa rin sila, ramdam mon a sila ‘yung parachute mo. Ang sarap ng ganu’n there’s a lot of love that you can use as a bouncing para makatayo ka ulit.”

Nang dumating si Tom ng Amerika ay anim na buwan siyang tumira sa pamilya niya sa Arizona, USA.

“With my family lang talaga as in hindi ako lumabas ng bahay. The only time na lumabas ako was kasama ko ‘yung best friends ko nu’ng grade 7 pa ako. Sa Yuma (city of Arizona) din sila nakatira. Nalaman nilang nandito ako (Amerika), sila ‘yung kumidnap sa akin, we went out to the mountains, just being out there in the stars. Ganu’n lang ‘yun ang naging small circles ko,” kuwento ng aktor.

Sinubukan daw magtrabaho ni Tom sa pamamagitan ng online jobs.

“At first I couldn’t, I wasn’t in right state of mind. Parang dark night of the soul talaga na wala… really heavy about depression and a whole other mess thing,” saad ni Tom.

Hanggang sa okay na siya at napadpad siya sa Vegas kung saan may mga kumupkop sa kanya at nakahanap na rin ng trabaho.

“There are a lot of people that taken me in, made me feel like I had a new extended family. I got to see a new place with like bigger opportunities kasi sa Arizona wala (work) talaga, so dito ipinakilala ako sa iba and I found work here (Vegas).

Sa kasalukuyan ay wala pang planong magmahal si Tom dahil ginagamot pa niya ang puso niya, “it’s a process.”

Mahal pa ba niya ang asawang si Carla Abellana (technically hindi pa sila hiwalay dito sa Pilipinas dahil walang divorce).

“Hindi naman nawawala ‘yun agad. It’s transforming into something else,” sambit ng asawa ni Carla.

Maraming nagtatanong ang pagpa-file ni Tom ng divorce sa US, may merit ba ito gayung sa Pilipinas sila ikinasal ni Carla.

“We’re processing na rin naman the recognition sa Philippines to have it recognized also there to at least para both of us can truly be free,” say ng aktor.

Hindi naman itinanggi ng aktor na may mga sandaling umiiyak siya dahil maraming panghihinayang lalo na ang mga pangarap na binuo na biglang naglaho na.

Inaming sa tindi ng depression noon ni Tom ay dumating siya sa puntong gusto niyang tapusin ang buhay niya.

“In recent months ang tindi ng depression ko dumating ako sa point na ganu’n na I thought that was the only way out,” sagot ng aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending