Cory Quirino nangako ng ‘revived, revitalized, rejuvenated’ Mutya ng Pilipinas pageant | Bandera

Cory Quirino nangako ng ‘revived, revitalized, rejuvenated’ Mutya ng Pilipinas pageant

Armin P. Adina - December 01, 2022 - 03:17 PM

Cory Quirino nangako ng ‘revived, revitalized, rejuvenated’ na Mutya ng Pilipinas pageant

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino/ARMIN P. ADINA

HULING nagtanghal ng coronation show ang Mutya ng Pilipinas pageant noon pang 2019, at nagpahinga noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayong nagbabalik ito, nangako ang organizers na magiging sulit ang paghihintay nila.

 

“Expect a revived, revitalized, and rejuvenated Mutya ng Pilipinas. The search has resulted in 40 candidates,” sinabi ni Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino sa Inquirer sa press presentation sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City noong Nob. 23.

 

Sinabi niyang nakapagmuni-muni ang organisasyon habang nakapahinga ang patimpalak. “Our queens must be more aware, alert, and involved. So we have embraced, this year, sustainability and inclusivity,” aniya. Upang maisulong ito, katuwang nila ang mga lungsod ng Dasmariñas at Silang sa Cavite, tinukoy ang sustainability projects ng dalawang local government units.

 

Ngunit patuloy pa rin ang pagtulong ng pambansang patimpalak sa Tuloy Street Children Foundation, nilinaw ni Quirino. “That street children shelter is really a home for sustainability. So our queens are going to plant with Fr. Rocky [Evangelista] and the street kids,” ibinahagi niya.

 

Binanggit din ni Quirino na isusulong pa rin ng Mutya ng Pilipinas ang ecotourism sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Dapitan City at sa Dakak Beach Resort. “We are embracing our environment, but also the beauty of our tourism and the wonders of the Philippines,” aniya.

 

Ngayong taon, apat na titulo ang igagawad sa pambansang patimpalak—Mutya ng Pilipinas 2022, Mutya ng Pilipinas-Tourism International, Mutya ng Pilipinas-World Top Model, at Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities.

 

Tatanggap din ang runners-up ng mga espesyal na titulo—Mutya ng Pilipinas-Luzon, Mutya ng Pilipinas-Visayas, at Mutya ng Pilipinas-Mindanao—katulad ng nakagawian noong mga unang taon ng patimpalak.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itatanghal ang 2022 Mutya ng Pilipinas pageant sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City sa Dis. 4. Isasalin ni Klyza Castro at ng mga kareyna niya noong 2019 ang kani-kanilang mga korona.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending