Bagong P-pop group na Blvck Ace palaban, walang inuurungan; sumabak sa matinding training
PROMISING at ang lakas ng dating ng bagong all-girl P-pop group na Blvck Ace na ipinakilala kamakailan sa mga miyembro ng entertainment media kamakailan.
Nagpakitang-gilas ang mga miyembro ng grupo na kinabibilangan nina Rhen, Jea, Ely, Anasity at Twinkle sa naganap na media launch nitong nagdaang Lunes ng hapon.
Ang Blvck Ace ay nasa pangangalaga ng bago ring production company na Blvck Entertainment na pag-aari ng mag-asawang negosyante na sina Engr. Louie at Grace Cristobal.
Ayon kay Grace ang Blvck Ace ay mula sa pinagsamang pangalan ng kanilang kumpanya (Blvck) at ng pangalan niya (Ace).
“’Kapag sinabi nating Ace, siya ‘yung alas natin, so yun ang naisip naming ipangalan sa kanila, kumbaga, palaban at walang inuurungan,” paliwanag ng manager ng bagong grupo.
View this post on Instagram
Lahat ng members ng Blvck Ace ay mga first timer pagdating sa pagpe-perform na ang edad ay nagre-range mula 18 to 19.
Pero sa ipinakita nilang performance sa harap ng press ay pwedeng-pwede na silang makipagsabayan sa mga sikat na P-pop group ngayon sa Pilipinas. At in fairness, lahat sila ay mga artistahin at may taglay na X-factor.
May kanya-kanya ring makabagbag-damdaming kuwento ang mga dalaga pagdating sa personal nilang buhay. Sa video na ipinalabas during the media launch ay nagkaiyakan pa sila habang inilalahad ang mga pinagdaanan sa buhay.
Samantala, hindi lang sa P-pop naka-concentrate ang Blvck Ace kundi maging sa novelty at OPM songs. Sabi ni kay Engr. Grace, novelty ang pinakamahalagang category para sa kanila.
Tulad na lang ng debut single ng grupo na “Pasahero” na sigurado raw maraming makaka-relate dahil walang kinikilalang market ang novelty tunes dahil for everybody ang tunog nito.
At iyon ang pinakaimportante para sa kanila, na mapasaya ang publiko anuman ang antas o katayuan sa buhay.
Bilang mga baguhan sa larangan ng pagkanta at pagpe-perform, mahigit three months sumabak sa training sina Jea, Ely, Anasity, Twinkle at Rhen bago sila formally ni-launch.
Buwis-buhay daw talaga ang ginawang training ng Blvck Ace dahil hindi lang ito para sa kanilang pangangatawan kundi maging sa personality development.
Ayon pa kay Engr. Grace, sa kabuuan ng kanilang training, dalawang bagay lang ang paulit-ulit niyang paalala sa grupo, “listen and follow”
“Naging attentive sila sa lahat ng bagay na gusto naming ipagawa sa kanila na para rin naman sa ikabubuti ng buong grupo pati na bawat isa sa kanila,” sabi pa ni Grace na isa ring singer at recording artist.
Bukod sa “Pasahero,” na produced din ng Blvck Music humataw at ipinarinig din ng Blvck Ace ang upcoming Christmas song nila sa naganap na media launch.
Ang Blvck Ace ay isa lamang sa mga grupo na ipakikilala ng Blvck Entertainment. Marami pa silang nakalinyang proyekto gaya ng concerts, live events, film, at iba pa, na dapat abangan ng publiko sa darating na 2023.
Available na ang “Pasahero” sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Geezer, Medianet, Boomplay, YouTube at iba pang music streaming platforms.
Barbie epektib na kontrabida sa Julie Anne-David loveteam; Klea, Jeric eeksena sa ‘Heartful Cafe’
Susan Roces may mga paramdam na bago pumanaw; Grace Poe merong ‘pagsisisi’ sa pagkawala ng ina
Robin Padilla nagpa-drug test sa PDEA: Inumpisahan ko na po, tapusin n’yo na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.