Julie Anne San Jose nag-'I love you, too’ kay Rayver Cruz, magdyowa na ba talaga? Bandera

Julie Anne San Jose nag-‘I love you, too’ kay Rayver Cruz, magdyowa na ba talaga?

Pauline del Rosario |November 28,2022
share this

Julie Anne San Jose nag-‘I love you, too’ kay Rayver Cruz, magdyowa na ba talaga?

Pauline del Rosario - November 28, 2022 - 02:16 PM
Julie Anne San Jose nag-'I love you, too’ kay Rayver Cruz, magdyowa na ba talaga?

PHOTO: Instagram/@rayvercruz

NAPATALON at naghiyawan sa kilig ang maraming fans ng rumored celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Paano ba naman kasi, umamin si Julie Anne na mahal niya rin daw si Rayver!

Sinabi niya ‘yan mismo sa kakatapos lang nila na concert na “JulieVerse.”

Ipinost pa mismo sa Twitter ng Sparkle GMA Artist Center ang video na may nakakakilig na eksena.

Saad pa nga ng singer-actress sa aktor, “Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you too.”

Kitang-kita sa video na kahit ang dalawa ay kinikilig sa isa’t-isa habang nasa stage.

May post din si Rayver sa kanyang instagram at ibinandera ang ilang sweet photos na bungad pa ang pagho-holding hands ng dalawa.

May nakalagay pa nga sa kanyang caption na, “This is just the beginning, welcome to our world (heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

So, opisyal na nga bang in a relationship ang dalawa?

Maraming netizens naman ang umaasang magkatuluyan na sana sina Julie Anne at Rayver.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa post ng aktor:

“So glad you found someone who brings out the best in you (red heart emoji) dati ka pa magaling kumanta eh. Deserve”

“Praying that youll end up together since you both came from a failed relationship….you look great together.”

“Sa wakas nakita na din ng Julie namin ang forever niyaaaa (purple heart emoji). I’m so very happy both of you ingatan mo ang Julie namin Rayver”

Matatandaan noong Agosto ay umamin si Rayver sa showbiz podcast ng Entertainment Correspondent na si Nelson Canlas na nililigawan niya si Julie Anne.

Nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa nitong taon, lalong-lalo na noong nagkasama sila sa “Limitless” concert ni Julie Anne noong Abril.

Related chika:

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose pinagtagpo, pero itinadhana nga kaya?

Julie Anne ipinadama ang diwa ng Pasko sa ‘Love is Us this Christmas’ lyric video ng GMA; bagay na bagay na Maria Clara 

Rayver gustong maging fitness coach si Julie Anne, fans kilig na kilig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending