Rayver gustong maging fitness coach si Julie Anne, fans kilig na kilig | Bandera

Rayver gustong maging fitness coach si Julie Anne, fans kilig na kilig

Pauline del Rosario |October 15,2022
facebook
share this

Rayver gustong maging fitness coach si Julie Anne, fans kilig na kilig

Pauline del Rosario - October 15, 2022 - 03:46 PM

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz (PHOTO: Instagram/@rayvercruz)

KILIG to the bones nanaman ang fans ng “rumored” celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

‘Yan ay matapos magpalitan ng matatamis na “comments” ang dalawa sa latest Instagram post ni Julie Anne.

Ibinandera ng actress-singer ang kanyang latest workout na kung saan makikita ang isang “mirror selfie” na may hawak na dumbbell.

May video rin na makikitang seryoso siyang nagwo-workout.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Nag-comment naman diyan si Rayver at sinabing “Super fit pala ni MC pwede po mag pa train.”

Mabilis na napansin ng netizens ang naging komento ng aktor at kaagad itong umani ng daan-daang likes.

Pero hindi pa riyan natatapos ang “kilig moments” ng dalawa dahil sinagot siya ni Julie Anne.

Sey niya, “ako din patrain ako sayo po miss kita.”

Mabilis na nag-reply naman si Rayver at sinabing, “miss you 3k.”

Hindi magkamayaw sa kilig ang fans nang mabasa ang usapan ng dalawa, gaya ng isang netizen na humiling pa na gumawa ng “workout vlog” ang dalawa.

“Baka naman work out vlog together pleasssee,” sey sa comment.

Sabi pa ng isa, “baka naman pwede magkita na kayo, sobrang miss nyo na ang isa’t-isa…Kakilig namaaaan.”

May isang fan pa na sinabing swerte si Rayver dahil na kay Julie Anne na raw ang lahat ng magagandang katangian sa isang babae.

“Pinagpala ka talaga Rayver na kay Julie na lahat bukod sa talented, sexy din, body goals,” sabi ng fan.

Wala pang kumpirmasyon kung ano ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Pero matatandaan noong Agosto ay umamin si Rayver sa showbiz podcast ng Entertainment Correspondent na si Nelson Canlas na nililigawan niya si Julie Anne.

Nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa nitong taon, lalong-lalo na noong nagkasama sila sa “Limitless” concert ni Julie Anne noong Abril.

Read more:

Julie Anne, Barbie bubuhayin ang alaala ni Jose Rizal; ‘Idol Philippines’ talbog ng ‘Running Man PH’ sa ratings game

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver kay Julie Anne: Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko, inspired to be better! Let’s go!

Rayver ibinandera ang pagmamahal kay Julie Anne, na-develop ang ‘feelings’ nang magkasama sa Siquijor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending