Rayver kay Julie Anne: Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko, inspired to be better! Let’s go! | Bandera

Rayver kay Julie Anne: Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko, inspired to be better! Let’s go!

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Rayver kay Julie Anne: Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko, inspired to be better! Let’s go!

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 06:33 AM

Jak Roberto, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

TULAD ng mag-BFF na sina Julie Anne San Jose at Barbie Forteza, naging super close na rin ang kani-kanilang “special someone” na sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

Matatapos na sa darating na Biyernes ang Kapuso primetime series na “Bolera” na pinagbibidahan ni Kylie Padilla, kasama sina Rayver at Jak.

Sina Julie Anne naman na nali-link ngayon kay Rayver at Barbie na dyowa nga ni Jak ay magkasama ngayon sa lock-in taping sa Vigan, Ilocos Sur para sa upcoming historical fictional portal fantasy series na “Maria Clara At Ibarra” with Dennis Trillo.

Sa naganap na virtual mediacon para sa finale week ng “Bolera” nitong Lunes, August 22, natanong nga sina Rayver at Jak kung ano ang mga “bilin” nila sa kanilang mga “ka-love life.”

“Every day nga po silang magkasama na magkumare. Hindi ko alam ang bonding nila, pero kami ni Rayver, automatic pag nagkita kami sa umaga, nagtuturuan pa kami kung sino ang may signal sa delivery ng ino-order namin.

View this post on Instagram

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Ganun ka-tight ang relationship namin sa set. Yung dalawa, siguro ganu’n din. Si Barbs, kasi first time niyang mag-lock-in, e, na straight na isang buwan.

“Sabi ko ngayon, mararamdaman na niya. Pinapadala ko nga sa kanya ang mga dala ko sa lock-in, e. Mga portable washing machine, lahat.

“Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Ganito yung lock-in. Kung hindi mo gusto ang pagkain, magdala ka ng induction.’ Yun ang pinakamalaking bagay at nagpasaya sa aming lahat, yung lutuan. Ngayon, tuluy-tuloy sila, na-enjoy niya naman,” kuwento ni Jak.

Sey naman ni Rayver, “Siguro, alam ko na sobrang saya nila du’n. Kasi bago pa naman sila mag-lock-in, super close na sila, magkumare nga sila, e.

“Kami nga ni Jak, naging close kami sa set. Pero sila, way, way back close na sila. So, I’m sure itong lock-in nila, sobrang saya yun. Di ko lang alam ang style ng bonding nila. I’m sure masaya sila du’n,” sey pa ng TV host-actor-dancer.

Samantala, hindi naman nakasagot agad si Rayver nang matanong kung para kanino ang kanyang bagong bahay pati na ang binili niyang BMW.

Natatawa niyang sagot, “Wala naman. Kumbaga, parang for me siguro parang ano…” nahinto sa pagsasalita at binata at nag-isip kaya sinalo na siya ni Kylie na nagsabing, “Ready for the future. Wala namang masama dun, di ba?”

Sey naman ni Rayver, “I’m never afraid of the future. Siguro, yun nga, gaya ng nasabi ko, parang parehas lang siguro si Miguel at saka si Rayver, e. May perseverance, e. There’s no let up, e. Always hungry.

“Kumbaga, nakikita mo na yung pinaghihirapan mo. Kahit papano, blessed, and every day hindi mo tini-take for granted yung mga nangyayari sa buhay mo. Kasi, yung mga dating mga pinapangarap mo lang, nakakamit mo na.

“Iyon yung sinasabi ko, thankful for my work, thankful for GMA, thankful for my family, and sa lahat na sumusuporta, kasi it keeps me going every day. Yun talaga,” diin pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundot pang tanong sa kanya kung ang paghahanda niya ay para sa inspirasyon niya ngayon, “Oo naman, siyempre! Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Makikita mo namang ang saya-saya ko every day. Yun naman po ang dahilan. Inspired to be better! Yeah! Let’s go!”

Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend

Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending