Valeen Montenegro engaged na sa non-showbiz dyowa: 'Easiest YES!!!' | Bandera

Valeen Montenegro engaged na sa non-showbiz dyowa: ‘Easiest YES!!!’

Pauline del Rosario |November 28,2022
facebook
share this

Valeen Montenegro engaged na sa non-showbiz dyowa: ‘Easiest YES!!!’

Pauline del Rosario - November 28, 2022 - 11:18 AM

Valeen Montenegro engaged na sa non-showbiz dyowa: 'Easiest YES!!!'

PHOTO: Instagram/@valeentawak

ENGAGED na ang Kapuso actress at “Bubble Gang” star na si Valeen Montenegro sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Riel Santos Manuel.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram account.

Makikita sa post ni Valeen ang ilan sa mga naging eksena ng wedding engagement na nasa gitna ng kagubatan.

Kabilang na riyan ang litrato na nakaluhod si Riel sa harap ng aktres upang mag propose at ang moment na makikitang napatalon sa tuwa si Valeen.

May caption pa nga si Vallen na, “Easiest YES!!!”

Dagdag pa niya, “What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak)

Maraming kapwa-artista naman ang nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages sa couple.

Kabilang na riyan sina Megan Young, Janine Gutierrez, Carla Abellana, Chito Miranda, Maxine Medina, Barbie Forteza, at marami pang iba.

Taong 2018 nang nag-umpisang mag-date ang dalawa at kamakailan lang ay inamin ng aktres na hinihintay nalang niyang mag-propose si Riel sa kanya.

Nag-open up siya sa podcast ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas.

Sinabi nga niya rito na napag-uusapan na rin daw nila ni Riel ang tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon, kabilang na nga ang pagpapakasal.

“Parang nandoon na, pa-climb na kayo ng stairs na alam n’yo kung saan din naman papunta. So I’m waiting, charot. Waiting,” chika ni Valeen.

Related chika:

Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: ‘I’m waiting na lang…charot!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Valeen para sa mga babaeng may buhok sa kilikili: Body hair is normal, it’s natural, pag-usapan natin ‘yan!

Valeen Montenegro binalaan ang publiko sa mga pekeng COVID-19 test clinic: Pera-pera lang sila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending