Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame | Bandera

Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame

Ervin Santiago |November 27,2022
facebook
share this

Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 11:38 AM

Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame

Randy Santiago

NAGPALIWANAG ang veteran singer-actor at TV host na si Randy Santiago kung bakit hindi pa siya puwedeng magtrabaho sa ALLTV Channel 2.

Kinukuha si Randy ng kanyang kaibigan na si Willie Revillame para maging bahagi ng mga pinaplanong programa ng ALLTV Network pero imposible pa raw na mangyari ito ngayon.

“My contract with TV5 is until the end of the year pa. Gusto ni Willie na magkasama kami uli. I heard magkakaroon din ng sariling noontime show ang ALLTV, but as of now, nothing is definite.

“Willie has plenty of ideas at gusto rin niyang magdirek ako for them. So, nothing is sure yet. Marami siyang naiisip dahil medyo maluwag yung timeslot ng ALLTV, so kahit ano ang maisip natin, puwedeng ilagay.

“Of course, iba ang fulfillment ng pagiging direktor pero if you’re talking of trabaho, iba yung host ako at saka kumakanta, iba yung umaarte ka, iba yung nasa harap at nasa likod ka ng kamera.

“Masyadong malaki kasi ang responsibilidad kapag direktor ka kaya kailangan magandang-maganda ang produkto mo,” paliwanag ni Randy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Randy Santiago (@randysantiagoofficial)


“Hanggang December, 2022 pa ang kontrata ko sa Sing-Galing so whatever happens after this, puwede na ako kahit saan, kahit ALLTV.

“So, as of now, nasa TV5 pa rin ang focus ko, so don’t miss the finals of ‘Sing Galing’. Promise, hindi kayo magsisisi,” ang pahayag pa ni Randy sa pa-presscon ng TV5 para sa kanilang mga pambatong programa.

Proud na proud si Randy sa “Sing Galing”, ang award-winning videoke game show ng TV5, “Sobrang galing ng lahat ng contestants. Maging yung sa kiddie edition o yung sa adult edition. Grabe!

“Lahat sila, so impressive, nakakatuwa. Lahat sila, pang grand finals, e. Yung finals for the kids is on December 3 and yung sa regulars, December 10,” chika pa niya.

“Tine-tape namin ang show pero kapag pinapanood ko na sa TV, tuwang-tuwa pa rin ako.

“Yung kuwento ng mga bata, nakakadurog ng puso. Si Gloc 9 nga, napahagulgol sa kuwento ng isang bata ng ang tatay nasa Saudi. Naalaala niya yung sarili niyang kabataan.

“Pati ako, naluha. Buti na lang naka-shades ako kaya hindi nila kita. Don’t miss the finals kasi pasabog siya talaga,” lahad ni Randy.

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Korina Sanchez itinangging namimirata ng ABS-CBN talents para lumipat sa TV network ni Villar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending